Aba ang aga mo yata miss Faye? Anu paki mo kung maaga ako payats! Ahmmm. Miss Faye tara doon tayo sa likod pag usapan na natin yong tungkol sa kakantahin natin para mapractice na natin. Hindi na kilangan pang pumunta sa likod pwede naman dito nalang tayo kasi halos wala pang studyante ang pumapasok. Doon nalang Mas presko doon. Bakit ba mapilit ka ha payats! Hoy miss Faye wag mo nga ako lagi tinatawag na payats kasi ang ganda ng pangalan ko. Saka nangako ka noon na hindi kana mambubuli pero napapansin ko hindi ka parin nagbabago miss Faye! Hoy payats ito talaga ako at hindi mo ako mababago kaya pwede ba wag mo akung didiktahan kung anung gusto ko! Sige hahayaan kitang buliin ako pero ito tandaan mo hindi lahat ng panahon ay aayon sa kagustuhan mo dahil ang buhay ng tao ay parang gulong yan minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim at kahit gaano katigas pa ang gulong mo maflaflat rin! Balang araw lahat ng ginawa mo sa kapwa mo ibabato rin sayo! Hindi man ako ang gagawa nun sayo makakahanap karin ng katapat mo. Dami mo naman satsat payats! Sigaw ni Faye. Dyan kana nga! Hoy miss Faye Sabihin mo lang kung giveup kana sa contest at sasabihin ko nalang kay teacher! Iwan ko sayo! Bahala kana sa buhay mo payatots!
Ang yabang talaga ng Babaeng yon, ang taas taas ang tingin sa sarili kahit kilan.
Hi pare, ang aga mo ah. Bati ni Eric sa kaibigan. Oo pare. Saka ang aga aga nakabusangot ka dyan. Eh ang aga aga kasi may nambubuli sa akin pre. At sino nanaman ang maagang nambubuli sayo bro? Sige ganito huhulaan ko ha? Walang iba kundi ang pinakamayabang sa balat ng lupa na si Faye Arana, Tama ba ako pare? Kuhang kuha mo pare! Siya lang naman ang Babaeng walang kwinta sa Campos natin bro eh. Oh pano bayan pare kung hindi kayo magkasundo papano kayo magprapractice? Isusumbong ko nalang siya kay teacher na palitan nalang siya at ayaw naman niya pag usapan yong kakantahin namin saka sasabihin ko rin na ayaw niyang kumanta kaya hanap nalang ng ibang pwede ko kapartner sa contest pare. Dalawang lingo nalang pare contest niyo na tapos wala pa kayo naiisip na kantahin. Kung ako lang mamimili ng aawitin namin pare may naisip na ako pare. Anu title pare? Gulong ng palad pare. Gusto kung kantahin yan para sa masyadong mataas ang tingin sa sarili na akala mo walang katapusang swerte. Ahmmm maganda pare pero sa tingin ko hindi yan gusto ng partner mo kasi masyadong mataas ang kantang yan pare saka mas lalo lang maiinis yon sayo kasi baka matamaan siya sa kanta. Bahala siya pare basta yon ang gusto kung kantahin. Ikaw bahala pare. Kung tuluyan ng mag giveup si Faye kaya mo bang kumanta mag isa sa stage na may maraming tao pare? Oo naman pare, ngayon paba ako susuko? Saka sabi ni teacher may 50 thousand daw na premyo para sa champion. Kaya gusto kung galingan pare para sa nanay ko. Tama yan pare wag kang susuko kahit wala ka partner go lang ng go pare. Oo naman pare nuh. Ngayon paba ako susuko ngayong nasimulan kunang kumanta sa harapan ng mga tao. Yan ang best friend ko kaya idol na idol kita eh. Hahaha grabi ka naman pare idol mo talaga ako? Oo naman pare. Best friends, kapatid at idol pa kita. Kaya Sana pare walang limutan kahit sumikat kana ha? Anu kaba pare kahit kilan hinding hindi kita makakalimutan kasi ikaw lang din ang nag iisang best friend ko nuh. Nagyakapan ang mag kaibigan dahil sa tuwa. Salamat pare ha.? Wala yon pare. Tara na pasok na tayo.
Beshy bat ang tamlay mo? Tanong ni Elena kay Faye. Wala beshy nagka sagutan lang kami ni payats kanina, tapos hindi kami nakapag usap ng maayos tungkol sa contest. Bakit beshy susuko kana ba sa contest? Ahmmmm! Hindi ko Alam beshy kasi hindi naman kami magkasundo ni payats, kaya nag talo kami kanina. Beshy wag muna kasi binubully yong tao hanggang matapos yong paligsahan sa ibang school, tiis tiis ka muna. Beshy bakit kasi siya pa, andami naman iba dyan. Eh beshy magaling siyang kumanta. Kaya talagang siya ang pipiliin Nila nuh. Sana isaisa nalang ang magperform at hindi na kilangan pang makisama sa payats na yon. Eh anung balak mo ngayon beshy? Susuko kana ba? Aayaw kana ba? Diba pangarap mong makicontest? Sino naman nagsabi sayo na susuko na ako agad agad? Shempre hindi ako susuko nuh. Ede kausapin muna si Jr at pag usapan niyo na yong kakantahin niyo. Oo mamayang recess pag uusapan namin yan. Beshy ito lang masasabi ko sayo. Wag na wag ka munang mambubully para maganda yong kalalabasan ng pag uusap ninyo at maganda yong kalalabasan ng pag prapractise ninyo. Oo beshy I'll do my best para maging mabait ako in two weeks. Good girl kana ha. Shempre naman beshy. Beshy samahan mo nalang ako sa kanya mamaya para matandaan kung maging good girl mamaya ha? Oo naman beshy nuh.
Oras na ng recess at hinintay nilang lumabas muna ang ibang kaklase nila. Beshy mukhang lalabas yong mag kaibigan. Tara sundan natin sila? Sige beshy. Saan kaya pupunta mga toh? Saan paba ede sa likod sa may tambayan nila nuh. Sabagay hindi naman nagrerecess mga yan dahil lagi wala baon. Bilisan natin beshy. Saglit lang ang kati kasi ng paa ko. Hindi ka yata naligo kaya nangangati ka. Naligo naman ako beshy grabi ka naman. Eric saan ba kayo pupunta sigaw ni Elena. Bakit sinusundan niyo ba kami? Sigaw rin Jr. Ah eh. Kasi gusto ka makausap ni Faye Jr. Ai akala ko pa naman namimiss muna ako may loves sigaw ni Eric. Mangarap ka! Ikaw kaya ang pinapangarap ko may loves Elena. Halika sabayan muna ako sa paglalakad ko para maenjoy ko naman ang moment na ito. Nang aasar ka nanaman eh. Saan ba kayo pupunta? Sa tambayan namin bakit mo natanong? Wala gusto lang kasing makipag usap ang beshy ko sa kaibigan mo. Tungkol saan? Tungkol sa contest nila. Kasi malapit na yong contest kilangan na nilang mag practice. Oh bakit ako kinakausap niyo tungkol dyan? Dapat ang kausapin niyo itong best friend ko.