Tama ka dyan pare, dahil ako ang kilangan nilang kausapin bakit sayo sila nakikipag usap diba? Tara na pare bilisan na natin baka maagawan pa tayo ng pwesto na pagtatambayan natin. Tika tika lang Jr. Pag usapan na natin yong tungkol sa contest pwede? Bakit yon lang ba sasabihin mo miss Faye? Oo bakit meron paba dapat akung sabihin sayo? Oo meron pa! Anu naman sana yon? Gusto ko humingi ka ng sorry sakin bago kita kausapin tungkol sa contest. Aba ako hihingi ng sorry sayo aber? Oo bakit ayaw mo? Eh kung ayaw ko may magagawa kaba?! Oo meron dahil isusumbong kita Kay teacher! Sasabihin ko na nag giveup kana sa contest kaya hanap nalang ng iba. Aba ako ba tinatakot mo Jr? Beshy tama nayan humingi ka nalang ng sorry kasi sakanya para tapos na ang essue ganun lang ka simple beshy diba Eric? Tama ka dyan may loves. Kaya love na loves kita eh. Nako Eric ha namumuro kana sakin tigil tigilan mo nga kakaloves mo sa akin. OK! OK! OK! Sorry na.......! Aba Faye parang napipilitan kalang eh. OK sorry na Jr patawarin muna ako sa pambubully ko sayo kanina. Wow dapat ganyan matoto kang humingi ng sorry Faye. Hmmmt humanda ka pag natapos ang contest payatots ka, bulong ni Faye sa sarili. Faye may sinasabi kaba? Ha! Wala nuh, Sabi kulang ang bait bait mo at tinanggap mo yong sorry ko. Oh pano ba yan siguro pwede na natin sigurong simulan ang meeting na ito. Kanina pa natin nasimulan. Sambit ni Eric. So Faye anu esusuggest mo na pwede natin kantahin? Ahmm Maling akala. Alam mo ba yang kantang yan? Hindi masyado pamilyar ang kantang yan sa akin. Eh kung ang kantang SAYANG ANG PAG IBIG KO. Alam mo ba yan? Tanong ulit ni Faye. Hindi naman pang contest mga yan ang papangit ng choice mo! Ede ikaw nalang magsabi! Tanong ka kasi ng tanong eh. Oh nagagalit ka nanaman relax kalang Faye. Eh kasi ikaw tanong ng tanong tapos aayawan morin lang pala nakakainis lang. Ako nalang mag iisip tapos Sabihin mo kung gusto mo yong sasabihin ko ha. OK fine! Gusto kung kantahin natin GULONG NG PALAD. ha! Ang taas niyan ah? Oo pero kayang kaya ko naman eh ikaw hindi mo ba kaya? Kaya ko nuh. Kung ayaw mo yan ito '' IKAW '' Alin sa dalawa ang gusto mong kantahin? Mas pang laban yong GULONG NG PALAD kaya yon nalang siguro. Sige kilan Tayo mag uumpisang mag practice? Kahit mamayang tanghali o kaya hapon. OK. Saan tayo magprapractice niyan? Kahit dito nalang din siguro Sambit ni Jr. OK..
Tara na beshy balik na tayo sa classroom. Bye loves sigaw ni Eric Kay Elena. Bye mo mukha mo! Ang sungit ko talaga may loves! Balang araw. Maiinlove karin sa gwapo kung mukha may loves. Ewww! Mangarap ka! Oo may loves pinapangarap talaga kita hehe. Pare anu yan totohanan nabayan na may gusto ka Kay Elena pare? Ahmmm slight lang pare. Slight lang pero nahahalata ko Inlove kana kay Elena. Sabagay pare maganda naman si Elena at hindi masyado maldita at hindi niya katulad yong best friend niyang parang halimaw sa kamalditahan. Anu kaba pare crush crush lang walang seryusuhan kasi baka masaktan lang din ako. Hahaha pacrush crush ka nalang ngayon pare ha .. Eh ikaw type mo ba si maldita pare? Si Faye pare? Hay nako pare never ako magkakagusto sa isang malahalimaw ang ugali pare nuh. Pero pare malahalimaw rin sa kasiksihan at kagandahan. Kahit na pare hindi ko parin gusto yong babaeng yon pare. Kahit bumait na siya hindi mo parin siya gusto? Hindi parin pare kasi pakiramdam ko nakikipagplastikan lang yon satin nuh. OK kung yan sabi mo eh. Ayaw ko naman kuntrahin ang best friend ko nuh. Hahaha dapat lang pare kasi best friend tayo.
Beshy buti at nag kasundo na kayo ni Jr? Nakikisama lang ako tulad nga ng sinabi mo na kilangan kung maging mabait muna diba? Tama beshy kaya tiis tiis ka muna at saka mo nalang ikabit ang sungay mo pag tapos na ang contest. Beshy wala ako sungay ha! Ang ganda ganda ko tapos hahaluan mo ng sungay ang beauty ko! Ikaw talaga beshy hindi ka mabiro hehe. Hindi kasi nakakatawa yang sinasabi mo tungkol sa sungay sungay nayan.. Eh para ka kasi anak ni satan sa kamalditahan mo bulong ni Elena. Elena may binubulong kaba dyan? Ay beshy sabi ko bakit subrang ganda mo at hindi mo pa shener yong kagandahan mo sa akin para naman makahanap ako ng jowang gwapo. Haha mangarap ka beshy na may magkagusto sayo na gwapo. Eh halos lahat ng kalalakihan sakin ang tingin pano bayan. Hindi naman lahat sayo nakatingin nuh. Tignan mo kasi yong duling nayon oh sayo ba nakatingin? Ahmmm sa tingin ko sayo nakatingin beshy haha. Kaya nga hindi lahat ay sayo nakatingin kasi may nakatingin rin sa akin. Ede wow sayo nalang mga Yan beshy mga gurang naman sila. Beshy bunganga mo Diba good girl ka in 2weeks? Hmmmt wala naman si payatots sa harapan ko bakit kilangan ko maging good girl sa iba? Oo beshy dapat good girl ka parin para walang essue nuh. OK fine! Good girl na kung good girl. Kayang kaya ko yan. Elena wag kana uuwi ng lunch libre nalang kita sa canteen tapos sasamahan mo ako sa practice. Sige Sabi mo eh. Matatanggihan ba naman kita. Bawal talagang tumanggi beshy kung ayaw mong MA OOBF! Anung OOBF nanaman beshy? Out of best friends! Hahaha nakakatawa ka beshy kung anu anu iniimbinto mong salita! Eh ako lang naman nag tatagal sayo kung E OOBF mupa ako mawawalan kana ng best friend at wala kana makakausap pa ng matino.
Tara kain na tayo beshy gutom na ako kakadaldal sayo. Bilisan nalang natin baka maubusan tayo ng masarap na ulam beshy. Puro gulay pala ang natirang ulam dito beshy hindi pa naman ako mahilig sa gulay. Eh anu uulamin mo? Hindi nalang ako kakain ng kanin. Ikaw kakain kaba Elena? Oo favorites ko kaya ang gulay nuh ang sarap. Anu kakainin mo? Magburger nalang ako beshy. Sige ikaw bahala baka mahilo ka pag dika kumain nyan.