" FORBIDDEN FOREVER "
RALEAM'S POV
Napapansin ko atang hindi na pumupunta si yuan dito leam? " Tanong ni Tito tonny.
Hindi ako naka sagot dahil hindi ko din alam ang isasagot ko.
Huling beses na magkasama kami ay mahigit Isang buwan na. Ayaw Kong mag isip ng kung ano-ano, pero hindi ko mapigilan. Hindi naman siya ganito eh, kahit busy siya ay nag te-text parin naman siya sa'kin.
Baka busy lang po. " Tipid kong sagot habang kumakain.
Maaga akong nagising dahil may trabaho ako ngayon. At may klase ako mamayang hapon.
Wala naman siguro kayong pinag awayan? " Usisa nito.
Wala naman po. Okay na okay po kami ni yuan. " Nakangiting sagot ko.
Tumango lang ito. Kaya ng matapos akong kumain ay iniligpit ko muna ang pinag kainan ko at agad na nag paalam na pupunta na sa trabaho.
Sumabay na ako sa pinsan kong si pinsang kong si Marco, dahil doon din siya dadaan papuntang mall. Dahil may bibilhin daw ito.
Salamat. " Pasasalamat ko at agad din naman ating umalis.
Good morning, maaga ka ata ngayon? " Salubong ni mira sa akin.
Maraming delivery ngayon mira, kaya dapat lang na maaga ako. " Nakangiting sagot ko.
Nakasunod lang siya sa akin habang nag lalakad ako papasok ng factory.
Good morning leam. " Biglang sulpot ni George sa harap ko.
Morning. " Tipid kong bati na hindi siya tinitingnan.
Bad moos ka ata? Nag away kayo ng boyfriend mo? " Tanong bigla ni mira.
Tumawa lang ako sa sinabi niya.
Anong away? Okay na okay kami, baka pagod lang siguro ako. " Sagot ko.
Talaga ba? " Pangungulit niya.
Oo nga sabi, Ang kulit. " Tumatawa paring saad ko.
Mabilis na tumunog ang bell, senyales na simulan na nang trabaho. Pumunta kami sa kanya-kanya naming pwesto at agad na nag simula.
Buong araw akong naka focus lang sa trabaho ko at kailan man ay hindi sinusubukang buksan ang cellphone ko, sa takot na baka ma disappoint na naman ako dahil walang text o tawag man lang na galing kay yuan.
Sumapit ang hapon at nag paalam na akong uuwi na, pinipilit pa ako ni mira na samahan siyang mag mall, pero tumanggi ako dahil ang sabi ko ay gusto ko ng mag pahinga.
Mabuti nalang at hindi niya ako kinulit at hinayaang umuwi, naka ilang hakbang ako papalabas ng factory ay may natanaw akong Isang babae na hula ko ay nasa 20's na ito.
Halatang mayaman ito dahil sa ayos niya, nagulat ako dahil nakatingin din ito sa akin. Maya-maya lang ay nag lakad ito papunta sa kinaroroonan ko.
Huminto siya sa harap ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
You must be Raleam Vallejo? " Tanong nito sa akin.
Oo ako nga bakit? " Sagot at tanong ko sa kanya..
I'm amethyst and we need to talk. " Saad nito sa akin.
Tungkol saan? And I don't know you miss. " Sagot ko at tinalikuran siya.
It's about yuan. " Habol nitong saad sa'kin kaya napahinto ako at hinarap siya.
I'm here to talk about him. We need to talk. " Saad nito.
Humakbang siya patalikod sa akin sa sobrang curiosity ko ay sinundan ko lang siya.
Bigla siyang huminto sa harap ng Isang coffee shop at umupo sa upuang nasa labas nito. Pumunta din ako doon at umupo sa harap niya.
So Anong tungkol kay yuan ang dapat pag usapan? " Casual kong tanong.
Bakit hindi muna tayo mag order ng kap--
I'm here to talk dahil sabi mo kailangan natin mag usap. Simulan na nating mag usap dahil marami pa akong gagawin. " Malamig kong putol sa sasabihin niya.
I can see why you got his interest. " Sarkastikong saad nito sa akin.
Just talk. " Maikling saad ko..
Ayaw ko ng habaan ang usapang ito. I'm here to tell you that you should let him go. " Biglang saad niya dahilan para mag taas ang kilay ko.
Ginag*go ba ako ng babaeng ito.
Yan lang ba ang sadya mo at talagang pinuntahan mo pa ako dito? Unbelievable. " Hindi makapaniwang saad ko.
Mas lalo lang sumama ang tingin niya sa sinabi ko.
I crossed my arms and look at her.
Don't be selfish raleam. You have to let him go. " Pag uulit niya.
Iniinis niya talaga ko.
And why would I do that? " Mariin kong tanong sa kanya.
Dahil kailangan! Hindi mo ba alam na itinakwil na Siya ng pamilya niya dahil sa pag pili sayo? " Bahagyang tumaas ang boses niya.
Nawala ang ngiti sa labi ko at unti-unting nag sink in sa utak ko ang sinabi niya.
Ano bang sinasabi mo? " Nakakunot noong tanong ko.
Her aunt cut all her connection with Yuan, Mula sa sasakyan, bank account at allowance maging ang bahay niya at wala na sa kanya, dahil mas pinili ka niya kesa sa babaeng dapat niyang pakasalan. " Aniya.
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya, pakiramdam ko ay bumagsak ang buong mundo ko sa narinig ko.
Ito ba ang dahilan kong bakit hindi na niya ako kinakausap? Ito ba ang bagay na hindi niya ma sabi-sabi sa akin?
Alam kong nauunawaan mo na kung bakit hindi na siya muling naka uwi sayo, dahil nag ta-trabaho na siya dahil wala ng tumutulong sa kanya. " Dugtong nito.
Naikuyom ko ang kamao ko habang nakikinig sa sinasabi niya.
Hindi sanay si yuan sa hirap leam, Hindi siya pwedeng mapagod ng husto dahil pwede niyang ikamatay iyon. Mahina si yuan raleam. " Saad niya pa kaya napalingon ako sa kanya.
Nakatingin lang ako sa babaeng nag ngangalang amethyst.
At matitigil lang ang paghihirap niya kapag binitawan mo na siya at kumbinsihin siyang pumayag na mag pakasal sa'kin. " Nakangisi nitong saad sa'kin.
Biglang umangat ang galit na naramdaman ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Kaya bago pa ako may magawa sa kanya ay mabilis akong tumayo sa pagkaka upo ko.
Don't be selfi--
Speak to yourself amethyst, I don't want to hear anything from you. " Saad ko at iniwanan siyang mag-isa doon.
Agad akong pumara ng taxi at nag pahatid sa lokasyon kong nasaan ang bahay namin. Sa buong byahe ay wala akong ibang inisip kundi iyong sinabi ni amethyst tungkol sa pagtakwil sa kanya ng pamilya niya.
Ma'am nandito na po tayo. " Biglang saad ni kuyang driver kaya agad akong nag bayad at lumabas ng taxi.
Dire-diretsyo lang akong nag lakad papasok sa bahay hanggang sa kwarto ko, narinig ko pa ang pagtawag ni Tita Maribeth pero hindi ko siya sinagot..
Binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan ang numero ni yuan, nag ring lang iyon pero hindi niya sinagot. Sa inis ko ay ibinato ko ang cellphone sa pader ng kwarto ko at nasira iyon.
T*ng-ina kung may problema sabihin mo. " Umiiyak kong saad habang nakatingin sa kisame ng kwarto.
DAVE'S POV
Wala ka talagang balak sabihin sa kanya? " Tanong ko kay yuan.
Please dave, pagod ako sa susunod na natin pag usapan. " Saad nito at muling humiga sa hospital bed.
Yes nasa hospital siya. Na over fatigue dahil hindi ito sanay sa trabaho pero binigla niya ang sarili niya. Ayon hinimatay..
She's calling. " Saad ko ng makita kong nag pop-up ang pangalan ni raleam sa cellphone niya.
Wag mo nang sagutin, I will make it up to her kapag nakalabas na ako dito. " Saad niya habang nakapikit ang mga mata.
You're being unfair to her, yuan. Hindi mo ba naisip na baka nag aalala na siya? Hindi mo na siya pinupuntahan, even text or simpleng tawag ay hindi mo magawa. Ano bang nangyayari sayo? " Tanong ko.
Hindi ko napigilan ang pag taas ng boses ko. Dahil maging ako ay hindi siya maintindihan. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon, pero diya din naman ang pumili nito.
Dave... " Mahinang bigkas nito ng pangalan ko.
You chose her, over and over again kaya nandito sa sitwasyon na ito ngayon. Then you will just ignore her? Like she doesn't matter to you? That's crazy yuan. " Dugtong ko.
I know that very well Dave, Kailangan ko lang munang mag pagaling. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil alam kong sisisihin niya ang sarili niya. " Panimula niya.
Kilala ko siya Dave, kahit na iyong mga bagay na maliliit na bagay na Hindi niya kasalanan ay isisisi niya sa sarili niya kasi iisipin niya na siya Ang dahilan ng lahat. " Dugtong niya.
Nakinig lang ako sa kanya at hindi nag salita.
Okay na sa akin ang ganito basta nandyan lang siya palagi. Siya ang kahinaan ko kapag nawala pa siya sa'kin ay hindi ko na alam kong paano itutuloy ang buhay ko. " Dagdag niya at muling ipinikit ang mga mata.
Hindi na siya nag salita pang muli kaya agad na akong nag paalam na lalabas na muna at para makapag pahinga pa siya.
Nakita ko si lyca na ngayon ay papunta sa kwarta ni yuan. Mabilis ko siyang pinigilan at kinausap.
Wag mo muna siyang abalahin lyca, nag papahinga pa siya. Bukas kana pumunta dito. " Pigil ko sa kanya.
Bitawan mo nga ako, ano bang pakialam mo? Siya ang dadalawin ko kaya alisin mo Ang kamay mo sak--
Kaibigan niya ako kaya ginagawa ko ito. He's been through a lot this last few weeks lyca, so please let him rest. Wag ka nang dumagdag sa problema niya. " Saad ko at pabagsak na binitawan ang kamay niya.
Nag salubong lang ang kilay niya at agad na umalis papalayo sa kwarto ni yuan.
Pumunta akoa sa front desk at kinausap ang nurse na h'wag mag papasok ng kong sino-sino sa kwarto ni yuan dahil iyon ang gusto niya.
Tumango naman nurse kaya diretsyo akong nag lakad papalabas ng hospital.
Ngunit natigilan ako ng may makita akong babaeng nag lalakad sa hallway. Naka suot ito ng Isang blue off shoulder dress at ang buhok niyang hanggang siko ay naka lugay.
May kasama siyang babae
at nag tatawanan ang dalawa.
Hindi ko napigilang mapangiti habang pinapanood siya hanggang sa malagpasan ako nito ay naka sunod lang ang tingin ko sa kanya.
TO BE CONTINUE