CHAPTER NINETEEN

1649 Words
" FORBIDDEN FOREVER " RALEAM'S POV C'mon Leam, what's the problem ? " tanong ni yuan habang naka buntot lang siya sa'kin papasok sa kusina. Sa loob ng mahigit dalawang buwan, Ngayon lang ulit siya nag pakita sa akin. Wala na noong graduation ko, nag promise siyang aatend siya pero ni anino niya ay hindi ko nakita sa araw na iyon. Wag muna ngayon yuan, pagod ako. " Malumanay kong sagot. Mabilis niyang hinarangan ang dinadaanan ko at hinawakan ang kamay ko. Please tell me what's the problem? I've been asking since this morning, pero hindi mo ako kinakausap. May nagawa ba ako? " Mahinang tanong niya. Mariin akong napapikit at mas lalong nainis sa kanya. What the h*ll, bakit niya ako tinatanong? Hindi niya ba alam ang problema? At bakit hindi kita ma contact? What happened to your phone? " Sunod niyang tanong. Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal iyon sa pag kakahawak sa'kin. Oh God . We can solve our problem if you won't tell me-- T*NG-INA TANUNGIN MO ANG SARILI MO! " Singhal ko na siyang ikinagulat niya. Ito ang unang beses na sinigawan ko siya at alam kong hindi niya iyon inaasahan. Mabuti nalang at kaming dalawa lang ang nandito sa bahay. Tita Maribeth went to Bacolod in Tito Tonny's hometown. Alam mo ang problema, kaya huwag mo akong tanungin. " Saad ko sa kanya.. Muli ko siyang tinalikuran at nag simulang iligpit ang pinag kainan. Hey.. tell me what is it, Hindi ko alam. Please baby, please don't shout. " Pakiusap nito. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko sa kanya.. Ito ang unang beses na magkita kami ulit at tatanungin niya ako kung ano ang problema? G*go ba siya? Bakit ngayon ka lang ulit nag pakita sa'kin? I've been waiting for almost three months yuan.. three! Months! Tas ngayon tatanungin mo'ko kung among problema? Ginag*go mo ba ako? " Hindi makapaniwalang tanong ko. Umawang ang labi niya at hindi kaagad nakapag salita. Mapait akong natawa. Hindi ko alam kong ano pa ba ang dapat kong sabihin sa kanya hanggang sa maisip niya kung ano ang problema naming dalawa. Pwede nating pag-usapan ng mahinahon ito leam, wag ka nang sumigaw. " Pag papakalma niya sa'kin. Sagutin mo'ko... " Saad ko at tiningnan siya ng diretsyo. Totoo bang ikakasal kayo ni amethyst? Answer me yuan, wag kang mag sinungaling sa'kin. " Diretsyong tanong ko. Baby.. that's not true, she's lying.. walang kasal na mangyayari sa pagitan nami-- Pero yun ang gusto ng tita mo para sayo, nalaman kong itinakwil ka nila dahil pinili mo ako. Totoo ba? " Tanong ko ulit. Nakatingin lang siya sa'kin at hindi nag salita. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng palad ko. Doon ko lang nalaman na may hawak akong kutsilyo, sa sobrang diin ng pagkaka hawak ko ay nasugatan ako. Hindi ko sinabi sayo, dahil ayaw kong ma-guilty ka at sisihin ang sarili mo sa nangyari sa'kin. " Panimula niya. Tinalikuran ko siya at muling humarap sa lababo, tinitigan ko lang ang kamay ko na ngayon ay dumudugo. Hindi ko dinamdam iyon at hinugasan lang ng tubig. They disowned me because of my choice and it wasn't your fault baby. Ako ang pumili nito kaya kasalanan ko. " Mahinang saad niya. Narinig ko ang mahinang paghakbang niya papalapit sa akin. As long as I have you, anything else don't matters to me. I can work and pay for my bills. I can work while studying. Hindi ako sanay sa ganitong buhay pero pag sisikapan ko. I will get used to it when the time comes. Wag mo lang akong iwan kaya kong lampasan lahat. " Paliwanag niya. Naramdaman ko ang pag pulupot ng braso niya sa baywang ko. He hug me from behind, naramdaman ko din ang pag patong niya ng baba niya sa balikat ko. What the h*ll leam! " Bigla siyang nataranta ng Makita ang pagdurugo ng kamay ko. Mabilis siyang humiwalay sa pagkakayakap sa'kin at agad na inagaw ang kamay ko, narinig ko ang pag punit niya sa laylayan ng t-shirt niya at mabilis iyong itinali sa palad ko. Hindi ba masakit? " Tanong niya habang tinatalian ito. Umiling lang ako, dahil walang naman talaga akong nararamdamang masakit sa sugat na iyon. That wound Is just too small to be painful. I'm sorry again. " Aniya sabay halik sa kamay ko. Ang gusto ko lang naman ay sabihin mo sa'kin lahat ng problemang kinakaharap mo, lalo na kapag involve ako. Mahigit dalawang buwan akong naghintay sayo. Maging iyong sinabi ni amethyst sa akin ay hindi mawala sa isip ko. " Pag kwento ko. Hindi ko namalayan biglang pag buhos ng luha ko, hinaplos niya naman iyon. Pero wala eh, pagkatapos naming mag usap nang babaeng yon ay ilang. Beses kitang tinawagan, pero hindi ka sumasagot. Sa sobrang galit ko ay itinapon ko ang cellphone ko kaya nasira. " Nakangusong saad ko. I'm sorry. " Muling paghingi niya ng tawad. Alam mong naiintindihan kita maging ang sitwasyon mo, lalong-lalo na ngayon. Wag mong hayaan na mag alala ako ng ganon, dahil parang nawawala ako sa katinuan ko. Lagi kong iniisip na baka nagsawa kana sa'kin kaya hindi kana nag paparamdam dahil iiwan mo na ako. " Hindi ko na napigilang humagulgul. That won't happen, please wag kang mag isip ng ganyan. " Pag a-alo niya sa'kin. Hindi ko maiwasang isipin iyon, dahil halos lahat ng taong malapit sa'kin ay iniiwan at inaayawan ako. Alam mo yun. " Tumaas na boses kong usal. Mapupungay ang mata niyang nakatingin sa'kin, nakikita ko ang lungkot at awa doon. Nakakatawa talaga ako. YUAN'S POV Mahimbing na natutulog si leam habang ako naman ay pinag mamasdan lang siya. Nakaramdam ako ng pagka guilty dahil sa hindi ko nagawang mag paramdam sa kanya ng dalawang buwan. Sa t'wing sumasagi sa isip ko ang pag iyak niya kanina ay parang tinutusok ang puso ko, nahihirapan akong tingnan si leam sa t'wing iiyak Siya, lalo na kapag ako dahilan. Hindi ko man lang inisip na posibleng malaman leam ang tungkol sa sitwasyon ko. Hindi ko din naman inasahan na pupuntahan talaga siya ni amethyst dito. That's woman is really s*ck as f*ck. " FLASHBACKS " Alam mong itatakwil ka, pero pilit mo paring pinipili ang babae. " Amethyst shout at me. Hindi ko siya babae, Girlfriend ko siya. Hanggang kailan ko ba dapat isiksik dyan sa kokote mo na hindi ako mag papakasal sayo amee? Hindi ka ba Marunong imintindi? " Galit kong tanong sa kanya. Parang nilukot iyong mukha niya sa galit, pero walang akong pakialam. Kung sa ganitong paraan ko mapapa intindi sa kanya na ayaw ko sa kanya at ay gagawin ko. Alam mong kahit anong gawin mo, sa akin ka parin babagsak yuan. " Saad nito at malakas na hinila Ang braso ko. Hinila niya ang aking batok at mabilis na siniil ang labi ko. Sandaling nag dikit ang labi namin at malakas ko siyang tinulak. Napa upo siya sa sahig at agad kong pinunasan ang labi ko at galit na galit akong tumingin sa kanya. What the f*ck amethyst. Hindi ka pa ba napapagod? Dahil pagod na pagod na ako sa kagaguhan mo! Huwag mong subukang gawin ulit iyon. At baka tuluyan kong makalimutan na babae ka. " Singhal ko sa kanya at padabog na lumabas ng bahay. " END OF FLASHBACK " Damn it. I really hate being kissed by anyone else except raleam. Hindi pa ako nakakaramdam ng antok kaya napag desisyunan kong lumabas muna sa kwarto niya at bumaba patungo sa sala. Can't sleep? " Tanong ni Marco pinsan ni leam.. Naka salubong ko ito at pakiramdam ko ay sa iisang Lugar lang kami pupunta. Kind of. " Tipid kong sagot. Beer? " Yaya niya. Ngumiti ako at agad siyang tinanguhan. Sabay kaming nag lakad papunta sa kusina at naupo sa upuang nandoon, kumuha siya ng apat na beer at inilapag iyon sa lamesa. Okay na kayong dalawa? " Biglang tanong niya. I don't think so, but we already talked about the misunderstanding. Naka tulog siya bigla eh. " Sagot ko dito sabay tungga ng beer. Leam and I aren't that close, but she's still my cousin. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang malungkot at nahihirapan yuan. This past few months she looks so miserable, at hindi niya iyon sinasabi sa'min. Every time mama ask her she always say that she's fine. Kahit hindi naman. " Natatawang kwento nito. Kaya siguro kanina ay nasigawan niya ako, ang inis na kinikimkim niya sa loob ng dalawang buwan ah kanina niya lang nailabas, at naiintindihan ko iyon. Sino ba namang girlfriend ang matutuwa sa Ganon. Please take care of her yuan, she's been through a lot already. Ngayon lang siya naging malaya kaya wala kaming ibang hangad kundi ang sumaya siya. " Pakikiusap nito. Don't worry marco, I will not break her trust at ganon din sa inyo. I will do anything to keep her happy and safe with me. " Tipid kong sagot sa kanya.. Nag toast ulit kaming dalawa ni Marco at nag ku-kwentuhan tungkol sa iba't-ibang bagay. Ang apat na bote ay naging sampu. Pagkatapos naming maubos lahat ay nauna na akong nag paalam na babalik na sa kwarto ni leam dahil matutulog na ako. Pinihit ko pabukas ang pintuan ng kwarto ni leam at dire-diretsyong nag lakad papalapit sa kanyang kama. Pumasok ako sa loob ng kumot niya at niyakap siya ng sobrang higpit. Ipina-unan ko ang aking braso sa kanya at mahinang hinalikan ang kanyang noo. Naramdaman ko ang bahagyang pag galaw niya at napangiti ako ng ipinulupot niya ang kamay niya sa katawan ko at isiniksik mukha niya sa aking dibdib. Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag katabi ko siyang Matulog, pa kiramdam ko ay ayos lang Ang lahat at wala akong hinaharap na problema. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at agad ding nakatulog. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD