CHAPTER TWENTY-ONE

1381 Words
" FORBIDDEN FOREVER " " DANGER " RALEAM'S POV MAHIGIT ISANG LINGGO NA DIN ANG LUMIPAS NONG PUMUNTA AKO NY DAVAO. Sobrang saya namin ng araw na iyon. Namasyal kami sa buong Davao, kaming lahat bago kami umuwi pabalik ng Gensan. Walang trabaho ngayon kasi holiday. Bukas pa ulit, kaya ang ginawa ko lang ay tumulong kay Tita sa pagtatanim sa maliit niyang garden. Hindi ako mahilig sa bulaklak, pero dahil wala akong magawa ay tumulong nalang ako sa kanya. Masaya naman dahil nag kwentuhan kaming dalawa habang nag tatanim. Pupunta kami ng Cebu sa susunod na linggo leam, gusto mo bang sumama? " Tanong ni Tita. Gusto ko sana, pero may trabaho ako Tita Mari. Baka sesantihin na ako Mrs chua. " Tumatawang sagot ko sa kanya. Napa iling lang siya sa sagot ko. Kumusta kayo ni yuan? " Maya-mayang tanong niya.. Saglit akong huminto sa pag bubungkal ko ng lupa. Okay naman po, may kaunting problema pero na aayos naman. " Sagot ko at muling nag bungkal ng lupa. Nag lagay siya ng mga buto ng bulaklak doon at tinakpan. Ganun lang ang paulit ulit na ginagawa namin. Mabuti naman kong Ganon, maipapayo ko lang sa inyOng dalawa ay lagi niyong piliin na ayusin ang problema. " Magiliw niya saad at ngumiti lang ako. Yon nalang talaga ang lagi naming ginagawa, lagi naming pinipili na ayusin kung may problema man sa relasyon namin. Senior high kana sa susunod na taon ah? San mo planong mag aral? " Tanong ulit ni tita.. Dito pa rin po, may senior high naman sa oaaralang pinapasukan ko, Hindi na kailangan na lumipat sa ibang school. " Kalmadong sagot ko. Marami kaming pinag usapan ni Tita, at puno iyon ng tawanan, dahil nag ku-kwento siya tungkol sa mga karanasan niya noong nasa high school siya. Kung paano Siya na guidance dahil nag dadala siya ng alak sa eskwelahan. Nasa gitan kami ng kwentuhan ng biglang mag ring ang cellphone ko, agad ko itong kinusa sa aking bulsa. Napangiti ako ng makita ko ang palangan ni yuan doon. Hello.. " magiliw kong sagot. Hi baby.. Good morning. " Bati nito sakin. Napatawag ka? " Tanong ko sa kanya. Hmmp, naisip ko lang na bakit hindi tayo mag date mamaya? " Saad nito sa kabilang linya.. Napangiti ako ng husto, pero agad na inalis iyon ng makita ko si Tita na nakatingin sa'kin. Why so sudden? " Nananantyang tanong ko.. Narinig ko ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya. Because I miss you, I've been busy lately. Now that I have free time, let's date. " Diretsyong sagot niya. Fine.. " tipid kong sagot. Let's meet in the usual place, kung saan tayo laging pumupunta. " Masuyong saad niya. He's talking about Oval Plaza. Doon kami madalas tumambay.. Sige.. hihintayin kita doon. " Sagot ko. See you later baby.. I love you. " Pahabol niyo.. Ngumiti ako. " I love you more. " Pabulong kong sagot at agad na ibinaba ang linya. De-date kayo? " Biglang tanong ni Tita.. Ah oo po, sa oval plaza po tita. " Nahihiyang sagot ko. Panay date niyo Ngayon ah? " Nanunuksong saad nito. Hmmp bumabawi lang po siguro, dahil hindi busy. " Tumatawang sagot ko. Hindi na siya muling nag salita pa at mabilis na tinapos ang ginagawa namin. Alas kwarto na ng hapon kaya huminto na kami sa pag tatanim at agad na pumasok sa bahay. Pagkatapos kong ibalik lahat ng gamit sa Kong saan ito nakalagay ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ko. Agad akong pumili ng damit na isusuot at inilagay ito sa ibabaw ng kama ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng banyo para maligo. Mahigit Isang oras din ang itinagal ko sa loob ng banyo ko bago ako lumabas. Naka suot lang ako ng Isang simpleng oversized black t-shirt at isang maong na pantalon at puting sapatos. Hindi ako mahilig mag suot ng sexy, dahil boyish talaga ang style ko. Tiningnan ko muna ang kabuuan ko sa Isang malaking salamin sa loob ng kwarto ko at ng makontento ako ay isunuot ko ang aking sling bag at agad na lumabas ng kwarto. 6:30 na ng gabi nang makababa ako, naabutan ko sina tita Maribeth at Tito rolly sa hapag kainan. Nang marinig nila ang tunog ng paghakbang ko sa hagdan ay nakuha ko ang atensyon nila kaya nilingon nila ako. Bihis na bihis ah, San ka pupunta? " Masayang tanong ni Tito sa'kin. Ngumiti ako at lumapit sa kanila. Pinatakan ko ng halik ang kanilang pisnge... May date po kami ni yuan, Wala pa hong 11 pm ay nandito na po ako. " Saad ka nag lakad palabas ng bahay.. Nag lakad pa akong Ng ilang minuto hanggang sa marating ko ang Kanto ng subdivision namin. Nang may makita akong taxi ay agad kong pinara iyon at dali-daling sumakay. Oval plaza manong. " Nakangiting saad ko sa taxi driver. At agad naman nitong pinatakbo ang kanyang tricycle. 2O MINUTES LATER.... Nakarating kami sa lokasyon kaya agad akong nag bayad at bumaba sa taxi. Ang daming tao. " Mahinang bulong ko sa aking sarili ng suriin ko ng tingin ang paligid. Agad akong nag lakad papunta sa Isang bakanteng bench at naupo doon. 7:25 pm. " Basa ko sa orasan sa cellphone ko. Maaga pa Naman, baka papunta na dito. " Sa isip ko at tumingingin-tingin lang sa paligid at pinapanood ang mga taong naroon.. May iilang nag hahabulan, may mga batang nag tatakbuhan. Maraming streetfoods sa paligid at may nag lalako din ng cotton candy.. nakakatuwang panoorin ang mga taong naroon sa plaza. Lumipas ang dalawang oras at wala pa rin si yuan, bigla akong kinabahan kaya sinubukan ko siyang tawagan, pero out of coverage iyon. Tinawagan ko ulit, pero ganon parin. Sa inis ko ay inilagay ko sa cellphone sa aking sling bag, bago ko pa iyon itapon sa kung saan. Hindi pa rin ako umalis sa lugar na iyon, hanggang sa unti-unti Ng nawawala ang mga tao sa paligid ko at iilan nalang ang naroon. Muli kong sinilip ang cellphone ko, pero wala iyong text galing kay yuan.. 10:45 na nang gabi ng makapag desisyon akong umuwi nalang. Nag lakad ako papalabas ng plaza para mag hanap na pwedeng masasakyan. Pero wala akong Nakita kaya nag lakad-lakad nalang muna ako, ng mapansin kong parang may sumusunod sa'kin. Sa takot ko ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag tipa ng message at sinend iyon kay yuan. Sinubukan kong lumiko sa kanang bahagi, pero nakasunod pa rin ito sa'kin. Hindi ko na napigilang ma alarma. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang buo kong katawan sa takot. Agad kong tinawagan ang number ni yuan, nag ring iyon pero hindi niya sinagot. Plss naman, sagutin mo. " Naiiyak kong usal habang paulit ulit na tinatawagan ang number niya. Hindi niya pa rin sinasagot.. Napaiyak ako sa takot at sinimulang tumakbo para makalayo sa sumusunod sa'kin. Hindi na ako tumitingin sa dinadaanan ko at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo.. Napa sigaw ako ng sobrang lakas at nabitawan ko ang aking cellphone ng biglang may humawak sa magka bilang braso ko. Nanginginig ko iyong tiningnan, nakahinga ako ng malalim ng makita ko si Dave sa harapan ko. Madilim ang expression nitong nakatingin sa kin at muling inilipat ang tingin niya sa likuran ko. Ayos ka lang ba? " Mahinang tanong niya sa'kin.. Biglang bumuhos ang luha ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya at humagulgol ng husto sa dibdib niya. S-someone is f-following me. " Umiiyak kong saad sa kanya.. Shh relax, I'm here now you're safe. " Pag a-alo nito sa'kin habang marahang hinahaplos ng aking buhok.. Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Kahit alam kong ligtas na ako ay hindi pa rin nawawala ang pag ngingig ng katawan ko at ng kaba ko. Takot na takot ako.. " mahinang saad ko. Everything is okay now leam, I'm here. Ihahatid na kita sa inyo. " Saad niya. Inilayo niya ang katawan niya sa'kin, lumuhod siya para kunin iyong cellphone Kong nahulog. Mabilis niya akong hinawakan sa papulsuhan ko at agad akong hinila paalis sa lugar na iyon.. Mabuti nalang talaga at dumating siya, kung hindi ay baka may nangyari ng masama sa akin. TO BE CONTINUE....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD