" FORBIDDEN FOREVER "
DAVE'S POV
Kasalukuyan akong nag mamaneho ngayon para ihatid si raleam sa kanila. Minsan ay sinisilip ko itong tingnan at nakikita kong tulala pa rin ito at nakatingin sa kawalan..
I couldn't imagine what will happened to her, kung hindi ko siya naabutan sa lugar na iyon.
" FLASHBACKS "
Pwede mo bang puntahan si leam sa Oval Plaza, Dave? " Parang wala sa sariling saad ni yuan.
Aligaga ito na parang hindi alam kong ano ang gagawin.
What the h*ll yuan? Gabing-gabi na, Hindi mo ba siya sinabihan na Hindi ka matutuloy? " Hindi makapaniwang tanong ko sa kanya.
Lyca is in the hospital, she's bleeding. She needs me. " Biglang saad nito.
Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o hindi sa kanya.
Paanong mas naging importante pa iyon kesa Kay leam, she's f*cking waiting for you. Hindi mo man lang sinabihan na Hindi ka makaka punta! " Hindi ko napigilang sigawan siya.
Please.. Ngayon lang, Kailangan ko lang bantayan si lyca. " Saad nito.
Hindi ako muling nag salita, narinig ko ang pagsara ng pinto, senyales na umalis na siya.
Napatingin ako sa cellphone niyang nagri-ring. It's raleam who's calling. Hindi ko iyon sinagot. Hanggang sa natapos ang pag ring ay tumunog ito ulit.
Mabilis kong sinagot iyon.
Narinig ko ang paghikbi nito na parang hinihingal at tumatakbo.
Kaya agad kong kinuha ang susi ngam sasakyan at pinuntahan ang kotse ko, pagkatapos kong mao andar iyon ay mabilis ko iyong pinatakbo papunta sa lokasyon niya.
Ilang minuto ang nakalipas ay patakbo akong pumunta sa plaza.. lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin si raleam, pero hindi ko siya makita. Kaya umikot ako sa kabilang side at doon nakita ko siyang tumatakbo at nakatingin lang sa likod niya..
Malalaki ang hakbang na ginawa ko hanggang sa makalapit ako sa kanya. Mabilis kong hinawakan ang magkabilang braso niya. At halos Mang hina ako ng makita ko kung gaano siya katakot.
Nagulat ako ng bigla itong humagulgol ng iyak at sabay niyakap ako ng sobrang higpit.
D*mn you yuan. You're such an a$sh*le.
" END OF FLASHBACK "
You okay now? " Mahinang tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya sa'kin habang pinipilit na ngumiti.
You sure? " Tanong ko ulit..
Oo naman. " Sagot niya.
Nasa tapat na kami ng bahay nila at hinintay ko lang siyang bumaba sa sasakyan, I'm giving her time to fix herself.
Salamat Dave. " Usal niya.
Ngumiti lang ako at tinanguan siya. Agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at tuluyang bumaba. Pinanood ko muna siya hanggang sa makapasok siya sa loob bago ako umalis.
MEANWHILE...
How is sh--
Hindi na natapos ni yuan ang sasabihin niya ng mabilis na lumipad ang aking kamao at tumama iyon sa mukha niya.
What the h*ll Dave. " Galit nitong sigaw sa'kin at kinwelyuhan ako.
Galit siyang nakatingin sa'kin, pero mas galit ako dahil g*go siya.
Alam mo bang sobrang Gago mo? " Mariin ang bawat bigkas ko ng salitang iyon na siyang ipinagtataka niya.
Muntik na siyang mapahamak dahil sa kagag*han mo! " Singhal ko.
Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting lumuwag Ang pagkaka hawak niya sa'kin, hanggang sa tuluyan niya akong bitawan.
Kung hindi ako nakarating kaagad doon may mangyayaring masama sa kanya, at kasalanan mo yon. " Dugtong ko.
Hindi siya nakapag salita at nakatingin lang sa'kin.
Hindi na kita kilala yuan. Hindi ko na alam kong ano ang tumatakbo Dyan sa utak mo at hindi mo maisipang pwede siyang mapahamak ng dahil sayo. " Saad ko at malakas na sinuntok ang pader sa tabi ko.
Akala ko Kilala na kita, pero nagkamali ako. I'm so disappointed at you! " Tinuro ko pa siya bago talikuran at padabog na umalis sa bahay na iyon.
Bumyahe ulit ako pabalik ng Davao, doon ko na tatapusin lahat ng kailangan kong gawin.
HAZEY'S POV
Ang lamig.... " Usal ko sabay yakap sa sarili ko.
Nasa loob ako ng 7/11 ngayon, kakatapos lang ng duty. Nagutom ako kaya dito na ako pumunta.
Agad akong kumuha ng pagkain at Isang coke in can at binayaran iyon sa cashier. Kailangan pang e-microwave nong iba kaya nag hintay pa ako ng ilang minuto.
Umupo ako sa Isang bakanteng lamesa sa harap habang nag hihintay at bigla akong napalingon sa pintuan ng 7/11 ng makita ko ang isang lalaking naka suot ng itim na hoodie at nakakunot lang ang noo nito.
Dumiretsyo ito sa mga naka display na canned beer at kumuha ng tatlo at siopao saka kape.
May five pesos po kayo? " Tanong ng cashier sa kanya.
Dumukot pa ito sa bulsa niya, pero nadismaya dahil walang five pesos doon. Kaya agad akong tumayo at lumapit sa kanila.
Ito nalang oh. " Saad ko sabay abot sa cashier ng five pesos.
Ngumiti lang sa'kin ang cashier, biglang lumingon sa akin ang lalaking naka hoodie at tipid ako nitong nginitian.
Thank you.. " mahinang saad nito.
Tumango lang ako at hindi napigilan ang sariling kiligin dahil nginitian niya ako, Akala ko pa naman ay masungit ito dahil naka kunot noo itong pumasok kanina.
Nauna na siyang lumabas at maya-maya lang din ay natapos na iyong akin kaya mabilis din akong humakbang palabas.
Sinubukan kong hanapin iyong lalaki at nakita ko siyang naka upo sa pinaka huling lamesa ng 7/11. Nag lakad ako papalapit sa lamesa niya.
Ah pwedeng maki upo? " Walang hiyang tanong ko.
Tumango lang siya kaya naman agad akong naupo sa harap niya.
Ba-byahe ka? * Panimula ko ng usapan.
Nag angat siya ng tingin sakin. Bahagyang nag salubong ang kanyang kilay habang tinitingnan ako.
Yeah.. pauwi ng Davao. " Tipid niyang sagot.
Ikaw lang? Wala kang Kasama? " Tanong ko ulit at tumango lang siya.
Nakaramdam bigla ako ng hiya kaya hindi na ako muling nag tanong pa.
How about you? Bakit nasa labas Kapa sa ganitong oras? " Tanong niya sa'kin.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti.
Oh Em Gi.. he's talking to me. " Sa isip ko.
Kakatapos lang ng duty, nagutom eh kaya dumaan nalang ako dito. " Pormal kong sagot.
Where do you live? " Tanong niya ulit.
Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil napapangiti talaga ako, pakiramdam ko ay interesado siya sa buhay ko at sunod-sunod na siyang nag tatanong..
Dyan lang sa likod. Lalakarin ko lang mula dito. " Kunwaring seryosong sagot ko.
I sound like a sick stalker. " Biglang tumatawang saad niya kaya napatingin ako sa kanya.
T*ng-in* bhie.. Ang pogiiiii...
I don't mind. " Sagot ko kaya mas natawa siya.
So what's your name? " Tanong niya ulit.
I am Hazey Yudesco. " Sagot ko.
Piang krus niya ang magka bilang braso niya habang nakangising tumitingin sa'kin.
Dave... Dave Torralba. " Sagot niya sabay lahad ng kamay sa'kin.
Sandali ko muna iyong tiningnan bago inabot para makipag shake hands...
Nakaka-hiya, mas malambot pa ang kamay sa'kin.
Nag usap pa kami tungkol sa iilang bagay, hanggang sa makita niyang tapos na akong kumain ah niyaya na niya akong umalis na kami.
Okay lang ba talaga? " Tanong ko sa kanya ng makapasok ako sa loob ng sasakyan niya.
Nilingon niya lang ako at nginitian.
Yeah.. naniniguro lang. " Saad nito.
Ganito ka ba sa mga bago mong kakilala? " Tanong ko.
Not really, Ikaw palang naman. " Saad nito habang makatuon ang tingin sa daan.
Why is that Mr Torralba? " Maoang asar Kong tanong.
Tumawa siya. " Parang ang tanda-tanda ko na tuloy. " Nakangiting saad nito sa'kin..
So bakit nga? " Pangungulit ko.
Hindi ko alam kong bakit. Ngayon ko lang siya nakilala, pero kung makipag usap ako sa kanya ay parang matagal na naming Kilala ang isa't-isa. Kahit konting Kaba ay hindi ko nararamdaman sa kanya.
I'm so comfortable with him.
The truth is, kakahatid ko lang din sa babaeng muntik ng mapahamak kanina. " Biglang saad niya kaya napatingin ako sa kanya.
Girlfriend? " Tanong ko.
Mabilis siyang umiling, nakahinga naman ako ng maluwag.
My best friends girlfriend. " Naririnig ko ang pait sa boses niya.
In love siya sa girlfriend ng best friend niya? Ouch naman nun.
My f*cking best friend... Hinayaan niyang mag hintay sa kanya ang girlfriend niya ng sobrang tagal. Kung hindi ako nakarating agad sa lokasyon niya ay mapapahamak na sana siya. " Mariin nitong saad.
Nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa steering wheel at doon ko napansin ang bendang nasa kamay niya.
Paano niya nakayang ipahamak ang babaeng pinaka mamahal niya, dahil mas inuna pa nito ang iba. " Dugtong niya at tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
Do you have a feelings for her? " Tanong ko.
Saglit niya akong nilingon at muling ibinalik sa Daan ang kanyang tingin.
I don't know.. all I know it that I care so much for her and I'm so disappointed, dahil hinayaan siya ng matalik kong kaibigan sa Lugar na iyon ng mag isa. " Sagot niya sa'kin.
Hindi na ako muling nag salita pa at maya-maya lang ay nasa tapat na kami ng bahay ko.
Salamat ulit Dave. " Saad ko sa kanya at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Bago ko iyon maisara ay tumingin muna ako sa kanya.
Salamat sa pakikinig haze. " Nakangiting aniya.
Posible bang magkita ulit tayo? " Pahabol niyang tanong.
Nothing is impossible. " Walang kwentang sagot ko dahilan para tumawa ito ng malakas.
Sige salamat ulit Ingat ka. " Saad ko bago isinar
a ang pintu ng kotse.
Kumaway lang siya sa'kin at bumusina ng dalawang beses bago umalis sa harap ko. Nakatingin lang ako sa kotse niya hanggang sa mawala na ito sa harapan ko.
Kailan kaya ulit kita makikita? ....