= Johan Victor's POV =
Pagkatapos nuon ay umuwi na ako ng bahay. Mga 4:30 na ako nakauwi dahil medyo matrapik. Pagdating ko sa bahay ay si Aling Delia na agad ang bumungad sa akin. Ano daw ang kakainin ko mamayang dinner? Mapili din kasi ako sa pagkain. Sabi ko sa kanya, maghanda nalang siya ng mixed vegetables at coleslaw sa akin. Mag titinapay nalang ako. Ewan ko ba, pero super light lang dapat ang dinner para sa akin. Minsan lang ako mag-rice.
Pag-akyat ko sa kwarto ko ay nilapag ko ang gamit ko, tapos nagtangal ng sapatos. Nagpahinga lang ako sandali at nag-shower na kaagad. Ayaw ko ng amoy byahe, kaya naliligo ako kaagad para maalis. Maraming nagsasabi sa akin na sobrang arte ko daw para sa isang lalaki, pero ganun talaga ako. Gusto ko lang kasi talagang maging malinis at maayos ang lahat. After maligo, ARAL, aral, aral at aral. Ni-ready ko na din ang mga ipapareview kong lessons kay Darryl bukas. Nawili ata akong mag-aral ngayon dahil bumaba na ako eh dinner na.
Nagkwentuhan kami ng pamilya ko. As usual, joke time lagi si Daddy pati na si Ate Therese. Masaya kaming pamilya, wala namang gaanong problema. Sakto lang.
Madalas may nagtatanong sa akin: Bakit daw wala pa akong girl friend? Eh sa wala akong panahon sa ganyan eh. May babae kasi nuong 2nd year high school ako. Pangalan nya eh Mara. Na in-love ako sa kanya ng sobra, only to found out na aalis na pala siya patungong states. Isang linggo din akong umiyak nuon ha. Alam nila Chacha at Patrick yun. Simula nuon, mas dinagdagan ko ang oras ko sa pag-aaral. Yung oras para sa love, napunta sa pag-aaral.
Fast forward na nga. Kinabukasan sa school, medyo maaga akong pumasok. 8:30 palang nasa school na ako, eh 9 am ang class namin. Nag stay ako duon sa student lobby, palagi kaming tambay duon nila Chacha at Patrick nung 2nd year after class or kapag absent ang isa kong teacher. Ngayon, madalang na kaming magpunta duon.
Habang nagrerelax ako sa upuan, may biglang tumawag sa akin.
"Master!"
Sino yun? Pagka lingon ko, si Darryl pala.
"Oh, Darryl? At bakit master ang tawag mo sa akin? May pangalan kaya ako" sabi ko naman.
"Eh master, syempre, ikaw ang magtuturo sa akin, kaya dapat ka lang tawagin na MASTER!" paliwanag nya sa akin. Ang hyper nya ngayong umaga.
"Masyado kang magalaw! Nahihilo ako sayo"
"Ay sorry master." sabi nya saka umupo sa tabi.
"Master, saan mo ba gustong mag aral tayo mamaya?"
"Hmmm...hindi ko pala yan nasabi sayo yan kahapon. Sige, pwedeng dito nalang, kung okay lang sayo"
Ngumiti siya sa akin tapos sabi nya, "Okay master! Walang problema, kahit saan, basta turuan mo lang ako"
Tuwang tuwa si loko.
"Siguraduhin mo lang ha. Dapat, seryoso ka talaga na matuto. Kahit anong effort ko sayo kung hindi ka naman 100% committed, wala ring silbi" sabi ko sa kanya.
Nagulat ako sa kanya. Hinawakan nya yung kamay ko. Ang higpit nga eh. Hindi lang basta hawak, parang hawak ng....mag syota?
"Seryoso ako, master" sabi nya. Tapos, siya naman ang biglang umalis. Tapos tumingin sya ulit sakin, tapos nag sign sya.
Ewan ko ba, ang hirap i-describe, parang kinatok nya yung dib-dib nya tapos tumuro sakin. Ewan ko, ang weird nya.
Umalis na rin ako kasi narinig ko nang nag ring ang bell. Parang ang bilis naman ng oras. Di pa nga umiinit ang bench na kinauupuan ko eh, time na agad. Pagpasok ko sa classroom ay kadarating palang ni Chacha. Si Patrick, wala pa pero sabi nya aabsent daw sya ngayong araw na 'to. May topak nanaman ang lokong yun. Pagka upo ko...
"Chacha" sabi ko habang kinakalabit ko siya. Humarap siya sa akin, tila curious.
"May nagpapatutor sa akin mamaya"
"Sino naman?"
"Si Darryl Ferrer. Yung sinasabi ko sayo kahapon" sabi ko, tila ninenerbyos. Nagulat si Chacha sa akin.
"Seryoso ka? Akala ko ba hindi kayo okay nun?"
"Akala ko rin eh. Kaso, yun pala, gusto daw nyang magpaturo sa akin sa english, kasi binagsak siya ni Mam Rodriguez last grading"
Napakunot ang noo ni Chacha at tumingin sa akin ng diretso.
"Eh bakit sa lahat pa ng people, sayo pa siya lumapit?"
Napaisip din ako...at nagulat.
"Ha? Ewan ko. Sabi nya kasi...mukha daw akong mabait"
Tumawa ng malakas si Chacha. Nagtinginan sa kanya yung iba naming classmates.
"Alam mo siguro crush ka nun"
Dun ako nagulat ng todo.
"Hoy mahiya ka nga! Ang tikas-tikas ng dating nun. Ano ka ba...walang ganyanan!"
Tawa parin ng tawa si Chacha. Medyo naaasar na ako pero okay lang. Ganun naman yun eh, pag nagsimula nang tumawa, parang wala ng bukas.
"Ikaw talaga Chacha!" sabi ko at nakitawa na rin lang ako.
"Ano ba ang pagaaralan niyo?" tanong ni Chacha sa akin.
"Ang ganda ng tanong mo! Syempre, lessons" sabi ko sa kanya. Tawanan lang kami ng tawanan.
**AFTER CLASS***
Naglalakad na ako papunta duon sa student lobby. May nakita akong lalaki na naka cap na naka upo duon sa table na lagi kong inuupuan. Nang lumingon siya at tinanggal ang cap, si Darryl pala.
"Wow. Punctual" sabi ko sa kanya, seryoso ang mukha ko. Sya naman, todo ngiti.
"Master! Ano lesson natin ngayon?" tanong niya sa akin. Umupo ako sa upuan sa opposite side nya. Magkaharapan kami.
"Ang baho mo nanaman. You smell like a burning nicotine and tobacco" sabi ko sa kanya. Nakatakip pa ako ng ilong.
"Master naman...alam mo namang di ko mapigilan eh"
"Pwes pigilan mo. Ayoko ng amoy yosi ka kapag may lessons tayo. You know that smoking can cause bad breath, yellow teeth, breathing problems, heart diseases, cancer sa lungs, and worst, DEATH" seryoso kong pagkakasabi sa kanya. Natulala siya sa mga sinabi ko. As in, wala siyang sinabi na kahit ano.
"So ano, are you going to quit smoking or not?"
Napayuko siya at may kinuha sa may bulsa nya sa polo. Isang stick ng sigarilyo. Tinignan nya ito at inamoy. Tapos tinapat nya ito sa mukha ko.
"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Medyo nababad trip na ako.
Sa gulat ko, bigla nyang binali ang stick ng sigarilyo sa harapan ko.
"Ayan master. I will try my best"
Tinapon nya ang baling yosi sa may basurahan. Nagulat naman ako sa ginawa nya. Simula nuon, seryoso na ang mukha niya.
Sinimulan na namin ang pag-aaral. Tinest ko ang writing skills nya. Jusko, medyo mahina siya sa grammar. Eh ang English sa amin eh more on writing. Sa 2nd grading, speech writing ang exam. Naku, kailangan ko syang tutukan ng maigi.
"Master, masakit na ang ulo ko" sabi nya sa akin. tatlong oras na kasi kaming nagaaral.
"30 minutes pa, Darryl. 30 minutes"
"Master, pwede bang tawaran ko muna?"
Hindi ako nagsalita. Patuloy ako sa pagsusulat. Napansin ko siyang nakakunot at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa ng libro.
*****************
"Hay salamat! Tapos na ang three and a half hours. San mo gusto kumain?" tanong nya agad sa akin. Ang saya-saya nya.
"Wag na. Next time mo nalang ako ilibre" sabi ko sa kanya.
Ang kulit nya. Hinatak nya ang kamay ko at dire-diretso kami ng lakad.
"Uy, san mo ako dadalhin?"
"Naku master, kailangan kitang ilibre. Ang dami kong natutunan sayo ngayon" sabi nya sa akin.
Pagkalabas namin ng school. Nakakakapit parin ang kamay nya sa akin. Nagtitinginan na ang mga tao. Nakakahiya.