= Johan Victor's POV =
"Bakit mo ako tinuturo?" sabi niya sa akin. Halata sa tono ng boses nya na medyo galit siya. Ako naman ay anduon lang, nakatingin sa kanya, gulat at tahimik.
"Hoy, bakit ka nga tumitingin?" tanong nya ulit. Wala parin akong imik.
"Pipi ka ba? Kanina lang nagsasalita ka ha" sabi nya ulit. Sumagot na ako.
"Wa...wala. Na ikwento ko kasi na nakausap kita kanina, kaya ayun, tinuro kita" Medyo ninenerbyos ako dito. After nung nalaman ko na medyo bad boy pala itong si Darryl, mahirap na.
"Ah...akala ko naman kung ano na" sabi nya sa akin. Nakahinga din ako ng maluwag.
"Anyway, ano bang class mo mamaya?" dugtong nya. Nagulat naman ako sa tanong nya.
"Ha...uhm, Home Economics nalang atsaka Arts...bakit?"
"Wala lang natanong ko lang."
Natahimik din siya ng ilang sigundo. Tapos nagsalita siya ulit.
"Teka..alam kong hindi mo pa ako kilala at hindi pa tayo friend pero...pwedeng humingi ng favor?" sabi nya sa akin. Medyo halatang kabado siya nung sinasabi nya yun. Tumango lang ako, senyales na ituloy na nya ang sasabihin nya.
"Pwede bang magkita tayo sa tapat ng school? Uwian? May sasabihin kasi ako" sabi nya.
"Eh, sabihin mo na kaya ngayon?"
Napatitig lang sya sa akin, para siyang kinakabahan. Anong nangyari sa kanya?
"Ma...ma...mamaya nalang! Kasi may klase pa ako. Mahaba-habang kwentuhan kasi ang kailangan...at yosi. Sige na, ba-bye!" bigla nalang siyang tumakbo after nun. Natulala ako na naiwan duon.
Bumalik na ako sa table namin. 10 minutes nalang kasi, tapos na ang break. Pagbalik ko duon, napansin ni Chacha ang reaksyon sa mukha ko.
"Mukha kang nag donate ng dugo. Ang putla mo. Bakit?"
"Uyyyy ikaw ha. Anong ginawa mo sa CR? Ang tagal mo ha" sabat naman ni Patrick sabay tawa ng malakas.
"Sira. Wala, kinausap kasi ako ulit ni Darryl..." sabi ko naman.
"Hala ka!" sabi ni Patrick. Nananakot ata. Di ko nalang siya pinansin. Ewan ko ba.
Uwian na ng mga 3rd year ng 2:00. Lumabas na lahat ng estudyante mula sa kanya-kanyang classroom. Ako naman ay naiwan pa sa loob at kinokopya pa ang mga kakailanganin kong notes sa libro. Nauna na sina Chacha at Patrick, dahil si Chacha ay pupunta pa ng ospital dahil na-confine yung kapatid nyang bunso. Si Patrick naman, gigimik ata.
Mga 30 minutes na akong nagsusulat ng notes duon, ng may maalala ako.
May gusto palang kumausap sa akin. Si Darryl.
Dali-dali akong tumayo sa desk ko at lumabas. Hindi ko na napatay ang aircon dahil sa pagmamadali ko. Lumabas ako ng school at nakita ko duon si Darryl, nakatayo.
Unti unti akong lumapit. Sa tirik na tirik na araw, medyo namumula ang maputi nyang pisngi. Hindi kasi ako ganun kaputi eh. Sorry naman. Ang daming nasindihang sigarilyo sa may paanan nya.
"Ang lakas mo namang manigarilyo!" bungad ko sa kanya. Nagulat siya sa akin. Huling hit-hit na nya iyon at itinapon na nya.
"Ang tagal mo kasi. Isang kaha na naubos ko"
"Ano? Isang kaha? Kadiri."
"Kadiri ka diyan. Cool kaya" defense naman nya.
"Anyway, ano bang sasabihin mo sa akin?" nagmamadali kong sabi sa kanya.
"Upo naman tayo" sabi nya.
Umupo kami duon sa may bench sa tapat ng mini-restaurant. Wala masyadong kumakain duon. Sabi kasi nila di daw masarap ang luto. Pagkaupo namin, medyo lumayo ako ng konti kay Darryl. Amoy na amoy ko kasi ang sigarilyo nya. Nakakainis na nga eh. Gusto ko siyang layasan.
"Oh, anong sasabihin mo?" sabi ko naman.
"Bagsak kasi ako sa English nuong nakaraang 1st grading. Sabi ni Mam Rodriguez, kailangan ko daw bumawi ngayong 2nd grading. Delikado daw kasi ako. Eh nalaman ko na ikaw ang pinaka-matalino sa batch natin, kaya naisipan kong magpatulong sayo. Sige na, wala lang kasi talaga akong malapitan eh" paliwanag nya sa akin.
"Wala ka bang malalapitan na classmate mo? Bakit ako?"
"Hindi mo lang alam. Halos lahat ng classmate ko takot sa akin. Kasalanan ko rin kasi eh. At...kaya ikaw...kasi...mukha kang mabait at...at...mukhang madaling mag-adjust sayo" sabi niya sa akin. Nag-isip muna ako sandali bago ako nagsalita. Mukha naman kasing mabait itong si Darryl, kumpara sa mga sinabi ni Patrick eh...na sa kung iisipin, parang wala lang talaga.
"Sige na nga. Ano bang gusto mong oras? At ilang araw sa isang linggo?" tanong ko.
"Hmmm...twice a week nalang siguro. After class...ikaw bahala kung ilang oras"
"Okay. Three and a half hours...para mabilisan tayo. Malapit na ang exam." sabi ko. Para akong professor ha.
"Di nga? Ang tagal naman nun! Three hours tapos puro aral? Parang di ko kakayanin!" reklamo nya sa akin. Napakamot siya ng ulo at napakunot ng noo. Seryoso akong humarap sa kanya.
"Anong mas di mo kakayanin? Ang bumagsak or mag-aral ng three and a half hours?" diretsang tanong ko sa kanya.
Tahimik ulit siya. Nakakunot parin ang noo nya at parang kinakabahan. Kamot ng ulo dito, kamot doon. Naghihintay lang ako kung ano isasagot nya.
"Sige na nga! Fine, three and a half hours"
Papayag din pala ito eh.
"Sige, deal" sabi ko sa kanya.
"Ililibre nalang kita after ng sessions natin. Nakakahiya naman ang for free sessions. Sobra. Salamat talaga JV ha."
"Sure. Basta magpaka-bait ka ha. Ayaw ko ng pasaway na estudyante. At ayusin mo yang uniform mo. Ang baho mo na. Amoy yosi ka." sabi ko, sabay tayo at alis. Di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Lumingon ulit ako sa kanya...
Nakangiti siya sa akin. Parang sobrang nagpapasalamat sa tulong ko sa kanya. Masarap din sa pakiramdam na makatulong ka sa iba no. Siya ang 6th student na i-tututor ko. Sana ma-handle ko siya ng maayos.Sana makatulong ako.Sana, maka pasa siya.