NAKARATING silang tatlo ni Roxanne at Alvadon sa bahay na inihanda ni Pilo para sa kanila. Nagulat pa ang matanda nang pagbalik nila ni Roxanne ay kasama na nila si Alvadon. Nagpasya si Alvadon na magpakita kay Pilo nang malamang wala namang panganib na hatid sa kanila ang matanda. Kahit hindi niya alam kung ano’ng uri ng nilalang si Alvadon ay alam niyang katulad niya’y makapangyarihan din ito. Sa tingin niya’y higit na makapangyarihan sa kaniya dahil nagagawa nitong maging invisible at wasakin ang matatag na pader ng basement ng mansyon. “Naguguluhan pa rin ako sa nangyayaring ito pero natutuwa ako at ligtas ka, Bella. Sabi na ba’t hindi ka dapat nagtiwala kay Maita!” bulalas ni Pilo na sinabayan ng iling. Kung katulad lamang niya ang matanda na hindi agad nagtiwala sa biglang pagbait

