LUMIPAS na ang isang araw at isang gabi ay walang nagbukas ng pintuan kahit sino kina Laida at Maita. Mukhang balak talaga siyang ikulong ng mga ito at walang planong palabasin. Malakas ang kutob niyang may masamang binabalak ang mga ito kung kaya ikinulong siya roon sa basement at hindi makahadlang sa kung ano mang gagawin ng mga ito. Sinubukan ni Bella kagabi na isuka ang lahat ng kinain niya. Nagawa naman niya ngunit kaunti lang ang nailabas niya. Gayonpaman ay nakatulong iyon upang gumaan ang pakiramdam niya. Sumasakit pa rin ang ulo niya ngunit hindi na katulad kagabi. Lamang ay natutuyo na ang lalamunan niya. She tried to open the door again but to no avail. Kaya nagpasya na lamang siyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang humingi ng tulong sa malapit. Bella sat on the cold

