MASAYANG nagsasalo sa hapagkainan ang mag-iina kasama si Bella. Pakiramdam niya ay gumaan ang dibdib niya sa nangyayari. God knows how much she wanted to have a peaceful and happy life and a complete family. Matagal na panahon na simula ng maramdaman niya ang magkaroon ng buong pamilya. Since her father died, tila may nawawalang piraso sa buhay nilang mag-ina. She was happy and contented with her mother, of course. Pero iba pa rin kapag buo ang pamilya, gayong alam niyang may mga kapatid siya sa ama. Nawala man ang ina niyang si Miranda ay nakatagpo naman siya uli ng pamilya sa piling nina Maita at Laida. Kung noon sana nangyari ito’y siguro iba ang naging buhay nila ngayon. Siguro hindi kailangang mamatay ang ina niya. “Hindi ko inaakalang darating tayo sa puntong ito, Bella. Masaya ako

