HUMAHANGOS na sinalubong si Bella ni Maita nang matanaw siya nito malapit sa kubo nila. “Bella, saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang?” kinabakasan ng pag-aalala ang boses ni Maita. “May mahalaga lamang akong kinausap sa bayan, Maita. Kumusta ka rito? Hindi ka ba sinugod ni Laida rito At sinaktan?” tanong niya. Alam niyang hindi pa rin matanggap ni Laida ang pagbabalik nila ni Maita sa Hacienda Miranda. Malupit ito at kahit ang sarili nitong kapatid ay alam niyang hindi nito palalampasin. Kung hindi lamang nawawala si Francis ay baka nanatili na lamang siya sa roon. Nais niyang ibalik sa dati ang hasyenda nila upang may mapagkunan naman sila ng kabuhayan. Kapag nagtulungan silang lahat ay hindi imposible ang iniisip niya. Ngunit sa ganoong estado nila ni Laida sa ngayon ay malabo iy

