Chapter 82

1792 Words

NAKATINGALA si Bella sa gate ng Hacienda Saturnina. Dalawang beses na niyang pinindot ang door bell ngunit sa pagtataka niya’y walang nagbubukas. Alas quatro na ng hapon nang magpasya siyang harapin si Kora. Pinag-isipan niyang mabuti ang lahat. Mula sa mga panaginip ni Francis na nabigyan ng linaw. Marahil kaya napapanaginipan nito si Lara at sa panaginip niyang iyon ay mahal nito ang babae dahil ginagayuma ito ni Lara. Si Lara na ginagamit ang katauhan ni Kora upang linlangin silang lahat. Si Kora na tuwing gabi’y ipinagtitimpla ng kape si Francis at siyang punong abala sa lahat ng kinakain ng binata. Malakas ang kutob niyang kaya hindi niya tuluyang mapagaling ang mukha ng binata ay dahil dumadaloy sa dugo nito ang mahika ni Lara. Binundol ng magkahalong takot at kaba ang dibdib ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD