PUMASOK si Lara sa isang double story na bahay. Nakasunod lamang si Bella sa kaniya paakyat sa isang payak na hagdanan hanggang sa buksan nito ang isang pintuan. Pumasok silang dalawa sa maliit na kuwarto. Maayos at malinis ang buong silid. Inilapag ni Lara ang bag sa ibabaw ng maliit at parisukat na mesa. Maliban sa isang stool na naroon ay wala nang ibang upuan. Lara gestured her to sit there habang ito naman ay naupo sa pang-isahang kama na malapit lamang sa mesa. Naupo si Bella. “Ayokong magsayang ng oras, Lara. Sabihin mo na ang lahat ng nais mong malaman ko,” wika ni Bella na hindi inaalis ang tingin kay Lara. Nais niyang maging handa. Naroon siya sa teritoryo nito at malay ba niya kung may mga nakahandang patibong doon sa maliit na silid na iyon. Napabuntong-hininga si Lara. “Na

