MIRABELLA sighed upon watching the continous flow of the water. Naroon siya sa batis at halos kalahating oras na siyang nakatayo roon ngunit ni anino ni Francis ay hindi nagpakita roon sa kaniya. Mahalaga sa kaniya ang batis na iyon dahil sa maraming magaganda at nakatutuwang alaala nila roon ng binata. Nagbabakasakali lamang siyang baka magawi ito roon ngunit nabigo siya. Muling napabuntong-hininga si Bella. Nagpasya siyang lisanin ang batis at hanapin ito sa ibang lugar. Bago iyon ay nadaanan niya ang lumang kubo. Sa una’y nagdadalawang-isip siyang pumasok dahil hindi naman kailangan. Maalala lamang niya ang nangyari sa kanila noon ng binata na lalo lamang magpapasikip ng dibdib niya. Ngunit sa huli’y nanaig pa rin ang kagustuhang sariwain sa isip niya ang lahat. Kahit sa alaala man la

