MARAHANG nagmulat si Francis ng kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay mabigat ang kaniyang ulo at nanlalata ang kaniyang katawan. Nang sipatin ang paligid ay napansin niya ang makapal na mga punong kahoy sa paligid niya. Wala na siya sa kubo at nasisiguro niyang hindi iyon bahagi ng Hacienda Saturnina. Sinubukan ni Francis ang bumangon ngunit hindi niya magawa. Napaungol siya dahil tila may kung anong bagay ang nakdagan at nakagapos sa katawan niya. Tanging ang papag na iyon amg kinahihigaan niya. Hindi niya alam kung ilnag oras o ilang araw na siyang naroon. Wala siyang paraan upang malaman. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Ang huling naaalala niya ay ang nangyari kay Miranda. Francis’ heart tightened at the thought of Mirabella. Ano na kaya ang nangyar

