NAGKAKAGULO na ang mga tauhan sa hacienda dahil hindi pa rin umuuwi ang kanilang amo. Mahigit tatlong oras na silang naghahanap ngunit ni anino ni Francis ay hindi nila nakita. Tyempong naroon si Bella upang sana ay magpaalam kay Kora na aalis sila ni Maita kinaumagahan dahil balak niyang doon ilibing sa Hacienda Miranda ang kaniyang ina. Naabutan niya ang mga tauhan ng hasyenda na nagpapahinga sa damuhan ng malawak na lawn at pinag-uusapan ang pagkawala ni Francis at kung saan nila ito pupwedeng hanapin. “Aling Kora, ano ang gagawin natin? Baka po may masama nang nangyari kay señorito Francis!” bulalas ni Beth na bakas sa mukha ang labis na pag-aalala. “Heh! Tumigil ka. Huwag kang magsasalita ng ganiyan!” saway ni Kora dito. Habang si Mirabella naman ay tahimik na nakikinig sa mga k

