Chapter 77

1852 Words

“NASAAN na ba ang batang iyon? Aba'y hapon na ay hindi pa umuuwi!” nag-aalalang wika ni Kora na halos humaba na ang leeg sa kakatanaw mula sa pintuan ng mansyon. Kagabi pa umalis si Francis at mag-a-alas cinco na ng hapon ay hindi pa rin ito bumabalik. “Hayaan mo na si Francis. Malaki na 'yon. Kung mag-alala ka ay parang bata naman si Francis,” sagot ni Pilo. Nilingon ni Kora si Pilo na nakasandal sa pader sa likuran niya at masamang tiningnan. “Talagang mag-aalala ako sa kaniya! Hindi ko nga alam kung kumain na ba iyon! Wala naman sa laki ng katawan o sa tanda ng edad ang disgrasya. Baka napano na iyon!” matalas na sagot ni Kora. “Kuu! Uuwi din 'yon. Marahil masama pa ang loob niyon dahil sa nangyari sa kanila ni Bella.” “Hindi ako mapalagay, Pilo. Paano kung may nangyaring masama k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD