Chapter 76

1860 Words

MALALAKI ang hakbang na tinungo ni Bella ang silid nilang mag-ina. Naabutan niyang bukas ang pintuan ng kanilang silid. Nang tingnan niya ang direksyon ng kaniyang ina ay nagimbal siya sa nakita. Nakatihaya si Miranda na dilat ang mga mata. “Ina!” Mabilis niyang nilapitan si Miranda at siniyasat. “Ina...” usal ni Mirabella. Masagana ang luhang namalisbis mula sa kaniyang mga mata habang nanginginig ang daliri na dinama ang pulso ng ina sa leeg. Yumugyog ang balikat ni Mirabella at mariing napapikit. Tila sasabog ang kaniyang puso sa labis na emosyong nararamdaman. Nanginginig ang kaniyang buong katawan sa pagpipigil na mapasigaw. Kinuha ni Bella ang ulo ni Miranda at ikinandong. “Ina!” impit na sigaw niya at niyakap ang katawan ni Miranda. “Ano’ng nnagyayari rito?” naguguluhang tan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD