Chapter 95

2170 Words

TAGUMPAY na nasundan ni Bella si Lara kung saan naroon si Francis. Ngunit hindi agad siya sumugod dahil hindi pamilyar sa kaniya ang lugar. Nasa paanan sila ng bundok katulad ng nakita ng kaniyang kapangyarihan ngunit hindi niya nakikita ang binata kahit saan. Dagdagan pang sa bahaging iyon ng kagubatan ay tinatakpan ng maitim na ulap ang kalangitan. Nakita niya ang mga nakayukyok na puno ng kahoy sa isang bahagi ng gubat na tila may itinatago sa loob niyon. Kahit saang anggulo siya sumilip ay walang kahit kaunting butas na maaari niyang tingnan upang makita kung ano ang nasa loob niyon. Alam niyang naroon si Lara at hindi magandang ideya kung basta na lamang siya papasok doon. Hindi niya alam ang lugar at malay niya kung maraming patibong ang nakahanda roon. Kailangan niyang mag-ingat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD