PAGDATING sa Hacienda Miranda ay napansin ni Bella ang katahimikan ng lugar. Nanatili siya roon at nagmatyag ng ilang minuto ngunit wala siyang nakikitang pagkilos sa mansyon. Marahil ay nasa loob ng kani-kaniyang silid sina Laida at Maita, pati na ang mommy ng mga ito. Bella sighed and closed her eyes. Susubukan niyang hagilapin sa loon ng mansyon ang mg akapatid gamit ang kaniyang kapangyarihan. Hindi siya maaaring basta-bats na lang susugod. Baka nasa loob si Lara at may patibong itong inihanda sa kaniya, iyon ay kung isa kina Laida at Maita ang punamamahayan nito. Naguguluhan na siya sa mga nangyayari. Nakaharap niya su Lara at kay Kora ang katawang ginamit nito noong isang araw. Ngunit kanina nang matalo niya si Kora sa laban nila’y wala roon si Lara? Posible lamang iyon kung kont

