Chapter 93

1429 Words

LIHIM na sinusundan ni Bella si Kora hanggang sa makalabas sila ng Hacienda Saturnina. Nakasakay ito sa mahiwagang tungkod nito at mabilis na lumilipad habang sinusuyod ang kagubatan. Si Mirabella nama’y nasa likod ng lawin. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang palakihin ang ibon at gawing invincible upang hindi makita ni Kora na sinusundan nila ito. Nakarating sila isang bahagi ng kalbong gubat. Tumigil si Kora at bumaba sa lupa na labis niyang ipinagtataka. Humarap sa kaniya ang matanda at sinalubong ang kaniyang tingin. Akala niya’y nagkataon lang iyon dahil hindi naman siya nito nakikita kung kaya nanatili siyang tahimik. Ngunit nakita niya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito habang nakatitig sa kaniya. “Akala mo ba’y hindi ko alam na sinusundan mo ako, Mirabella?” tan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD