PAGKATAPOS ng isang malakas na pagsabog ay pinakiramdaman ni Roxanne ang kaniyang sarili. Marrin pa rin siyang nakapikit ngunit kahit ano’ng sakit ay wala siyang naramdaman sa katawan niya. Marahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata at una niyang nakita si Pilo na nanlalaki ang mga matang nakatulala sa harap nito. Sinundan niya ng tingin ang direksyon ng tinititigan ng matanda. Nakita niya si Kora na nanlilisik ang mga matang pinaghahampas ang hangin. May tunog ng lagabing na nililikha ang bawat paghampas nito wala siyang nakikita. Tila may matibay na bagay ang nakapagitan sa kanila na hindi nila nakikita. Nagpapatunay lamang iyon na si Lara ay nasa loob ng katawan ni Kora. “Lumabas ka riyan Roxanne!” halos mapugto ang ugat sa leeg na sigaw ni Kora. Malakas na pinagpapalo nito ng kama

