Chapter 91

2697 Words

NARINIG ni Roxanne ang malakas na yabag ni Alvadon sa loob ng bakuran ng mansyon. Naroon siya sa labas ng gate at mula sa kinaroroonan niya ay nakikita niya ang gulat na anyo ni Doroy habang nakatitig kay Alvadon na nag-anyong kentawra. “Halimaw! Halimaw!” sigaw nito habang patakbong tinungo ang mansyon. Nagmadali naman si Alvadon na pagbuksan siya ng gate. Agad siyang pumasok at itinago ang sarili sa mga potted palms na nagkalat sa gilid ng malaking lawn. Muling gumawa ng ingay si Alvadon upang agawin ang atensyon ni Kora o Lara sa loob ng mansyon. Ilang sandali pa’y lumabas si Kora na galit na galit. Ni hindi man lamang ito nagulat nang makita ang anyo ng kaibigan niya. Base sa mukha nito’y hindi na bago ang makakita ng nilalang na katulad ni Alvadon. “Kora, saan nanggaling ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD