PAGKATAPOS na makausap ni Bella si Francis ay agad siyang bumalik sa Hacienda Miranda at sinadya si Laida. Kailangan niyang kausapin ang kapatid sa ama at ranungin kung ano’ng dahilan niya para linlangin ng ganoon si Gabby. Nang makita ang kapatid na naroon sa sala ay agad niyabitong nilapitan. Kasalukuyang nagmemeryenda ito at kapansin-pansing wala roon si Maita. “Laida!” Umangat ang tingin nito at tumaas ang isang sulok ng labi sa nang-uuyam na ngiti nang makita siya. “Ano ang ginagawa mo rito, Bella?” “Ano’ng ginawa mo kay Gabby, Laida? Bakit mo sinabing pinapunta ko siya sa batis dahil gusto ko siyang kausapin?” Kumunot ang noo ni Laida. “Bakit ko naman kakausapin si Gabby? Hindi ko ugaling makipaghuntahan sa mga taong walang pinag-aralan, Bella. Lalo na sa mga trabahador lan

