MAGKAAGAPAY na pumasok sina Roxanne at Francis sa presinto kung saan nakakulong si Gabby. Iginiya sila ng pulis patungo sa visitor’s area. Naabutan nilang naroon si Gabby at kausap si Mirabella. Nang ipagbigay alam ng pulis na naroon sila’y agad na tumayo ang dalawa at bumati. Nag-igting ang bagang na iniwas ni Francis ang paningin sa dalaga at matalim ang tinging ipinukol kay gabi. Hindi makatinging napayuko lamang si Gabby. Ni hindi ito nakaimik. “Nais kang makausap ni Roxanne,” wika ni Francis na matamang nakatitig sa lalaki. Hinawakan siya ni Roxanne sa braso at iminuwestrang iwan muna sila ngunit napakunot ang noo ni Francis na tumitig sa dalaga. “Hindi kita iiwan kasama ang hayop na iyan, Roxanne!” mahina ngunit mariing wika ni Francis. “Please, Fran. Wala namang gagawing m

