LUMABAS si Bella sa silid nilang mag-ina. Alas otso na ng gabi at maya-maya lang ay papanhik na si Miranda sa silid nilang dalawa. Hahanapin lang naman siya nito mamaya kapag malalim na ang gabi'y wala pa rin siya sa silid nila. Tiyak naman niyang kung ano man ang pag-uusapan nilang dalawa ni Francis ay hindi naman magtatagal. Bago kasi umakyat kanina si Francis sa silid nito’y nagbilin itong sumunod siya sa opisina nito. Wala naman siyang ideya kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Akma na sana siyang kakatok sa pintuan ng opisina nang marinig niya ang boses ni Kora. Nakita niyang papalapit ang mayordoma sa kaniya at may dalang platito na may nakapatong na tasa ng umuusok na kape. “May kailangan ka kay Francis, Bella?” tanong ni Kora. Huminto ito sa tabi niya habang mataman siyang t

