DAHIL hindi naman natuloy nang gabing iyon ang paggamot ni Bella kay Francis ay napagpasyahan nila simulan na ang paggawa ng maliit na kubo sa gitna ng manggahan para doon gawin ang paghahanda. Nag-iingat lamang si Miranda. Ayaw niyang may iba pang makakakita ng gagawin nila. Hindi nila hawak ang kilos ng mga tao sa mansyon at hindi na nila muling isusugal ang buhay nilang mag-ina. “Huwag ka na kasing tumulong, Bella. Kami na lang ang gagawa rito. Baka masugatan ka pa riyan,” saway ni Doroy kay Mirabella na tumutulong sa pagbiyak ng mga kawayan upang gawing papag ng kusina. Naitayo na ng mga ito ang haligi kung kaya dingding at bubong na lang ang kulang. Marahil ay aabutin ng isa pang araw bago matapos ang maliit na kubo na iyon. “Kaya ko namang gawin ito, Doroy. Huwag ka nang mag-al

