HALOS walang salita ang gustong lumabas mula sa lalamunan ni Mirabella. Nakatitig pa rin siya sa mukha ni Francis at gustong manilim ng paningin niya sa kaba. Hindi ordinaryong sumpa lamang ang ipinataw kay Francis. Hindi sapat ang kaniyang mahika upang magamot ang binata. Kailangan nilang makita si Lara. Ang babaeng naging dahilan para pumangit ang mukha ni Francis. “Aray,” usal ni Mirabella kasabay ng pagngiwi nang mahigpit siyang hawakan ni Francis sa braso. “Bakit nagkaganito ang mukha ko, Mirabella? Ang sabi mo'y gagamutin mo ako pero bakit mas lalong lumala?” bakas ang galit sa boses na tanong ni Francis. “Hi-Hindi ko alam! Hindi iyan ang inaasahan kong mangyayari!” “What are you saying? Paanong hindi mo alam? Ikaw ang naghanda ng lahat ng ginamit mong panggamot!” “Maniwala

