PAGKATAPOS ng kanilang trabaho kinagabihan ay magkasunod na tinungo nina Miranda at Mirabella ang kanilang silid. Naiwan na lang sina Kora at Lara sa kusina na patapos na rin sa mga ginagawa. Nang makapasok sa loob ng kanilang silid ay agad iyong ni-lock ni Mirabella at naupo sa gilid ng kama. “Tungkol saan ba ang sasabihin mo at kanina ka pa balisa?” tanong ni Miranda sa anak. Mula kasi nang manggaling ito sa kubo na nasa manggahan kaninang hapon ay napansin na niyang hindi ito mapakali. Ang nais nitong sabihin kanina ay naantala dahil baka may makarinig sa kanila. “Ina, sinubukan ko pong gamutin si Francis kanina. Gumamit ako ng mahika. Pero...pero...” “May nangyari bang masama, Mirabella?” Her mother seemed worried. “Ina, imbes na bumalik po sa dati ang mukha ni Francis ay lalo

