MALAPIT na si Mirabella sa kubo nila nang mapansin ang isang lalaking mabilis ang takbo at panay ang lingon sa pinanggalingan. Sa hitsura nito ay tila ito nahintakutan at may kung anong tinatakbuhan. Hindi pamilyar sa kaniya ang lalaki kung kaya't tumigil siya sa paglalakad. Mula kay Gabby ay nagtungo pa siya sa palengke para mamili ng kakailanganin nila ng kaniyang ina. “Mister, anon’ng nangyayari?” tanong niya nang makalapit ito sa kaniya. Muntik pa siyang mabangga ng lalaki kung hindi lamang siya nakaiwas. Nahahapong tumigil ito sa pagtakbo. Kita niya ang pagtagatak ng pawis nito sa noo at sa nanlalaking mga mata ay tinitigan siya. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mahirap na paglunok nito. “May nangyari ba sa iyo?” nag-aalalang tanong niya. Marahil ay dayo ito sa lugar nila at n

