LYKA’S POV Sa loob ng ng isang linggo ay pabalik-balik dito sa bahay si Madam. Masaya ako dahil talagang magkasundo silang dalawa ng anak ko. At sa mga araw na dumaan ay napatunayan ko kung gaano kabuti ang puso niya. Mahal na mahal niya ang apo niya. Kahit sa akin ay mabait rin siya. Wala akong masabi sa kanya. “Anak, ayaw mo ba talaga na bumalik sa restaurant?” Tanong niya sa akin. Halos araw-araw yata niya akong kinukulit na bumalik doon. “Pasensya na po kayo, Madam. Pero wala na po akong mukhang maihaharap sa mga ka-trabaho ko. Hindi ko po talaga kayang bumalik.” “Gusto ko kasi sana na matuto ka pa doon. Ano kaya kung mag-aral ka na lang ulit?” Nakangiti na tanong niya sa akin. “Naku, ‘wag na po. Magastos po at baka mawalan na po ako ng oras sa anak ko. Wala pong mag-aalaga sa ka

