LYKA “B—Brixon,” nauutal na sambit ko sa pangalan niya. “I’m not Brixon.” sagot niya sa akin. “Ikaw, ikaw si Brixon.” sabi ko sa kanya at mabilis akong lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng ubod ng higpit. Nakatayo lang siya at hindi man lang yumakap sa akin. Pero hindi ako bumitaw dahil para sa akin ay siya si Brixon. “I’m Blaze, pumunta ako dito dahil gusto ni mommy na lumipat kayo sa bahay.” sabi niya sa akin. “Ha? Bakit?” tanong ko sa kanya sabay layo sa kanya. “Hindi ko alam sinusunod ko lang ang utos niya.” sagot niya sa akin. “Dito lang kami hindi kami sasama sa ‘yo.” “Hindi puwede, magagalit si mommy kapag hindi mo siya sinunod.” sabi niya sa akin. “Sasama kami sa ‘yo pero hindi para tumira sa inyo. Kakausapin ko lang si Madam. Wala akong balak na bumalik sa restaurant.” s

