LYKA Hindi ko magawang lumapit kay Brixon. Hindi ko kaya, hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Nasasaktan ako, hindi para kay Lucio kundi para na sa sarili ko. Nanghihina ang mga tuhod ko ngayon na para bang ang bigat bigat na hindi ko kayang ihakbang. Ngayon ako kinakain ng pagsisi ko. Marami ang pumapasok sa isipan ko. Gusto kong maging totoo sa sarili ko kahit ngayon lang. Kasi masakit, akala ko wala na. Akala ko tuluyan na akong walang pakialam sa kanya. Pero itong puso ko sobrang nasasaktan ngayon. Parang may patalim na sum*saksak sa akin. Lalo na nakikita ko ang anak ko na nakatulog na lang sa pag-iyak. Alam ko na galit siya at ako ang sinisisi niya. Kahit ako sinisisi ko rin ang sarili ko. Narito ako ngayon sa isang sulok at tahimik na nakatingin sa harapan. Nakatingin sa k

