LYKA Bumagsak ako sa sahig. Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Sobrang sakit ng puso ko. Sumisikip at para akong hindi makahinga. Lumapit sa akin si Yen at niyakap niya ako. Pareho kaming umiiyak. “Ate, buhay pa si kuya diba? Buhay pa siya? Hindi siya puwedeng mawala. Hindi siya puwedeng wala sa graduation ko.” Umiiyak na saad ni Yen. “Yen, wala na siya. Wala ang kuya mo.” Umiiyak na sabi ko sa kanya. “Hindi totoo na wala na siya. Buhay pa siya. Pupunta pa siya sa graduation ko. Kaya ko nga ginagalingan para hindi masayang ang lahat ng tulong niya sa akin. Nangako ako sa kanya. Nangako ako na pagbubutihan ko sa school. Tapos sinabi ko sa kanya na dapat naroon siya sa graduation ko at nangako siya na pupunta siya.” “A—Anong ibig mong sabihin?” “Si kuya….. Siya ang tunay na nagpapaaral

