THIRD PERSON POV “Magpapakasal si Lyka kay Angelo.” saad ni Bea sa kanyang asawa na si Jeff. “Bakit ba lalong nagiging komplikado ang lahat ng ito? Sigurado ba siya na magpapakasal siya? Baka naguguluhan lang siya?” “Hindi ko siya puwedeng pigilan. Kailangan natin na irespeto ang nais niya. Irespeto ang desisyon niya. Bata pa siya at alam ko na nahihirapan pa siyang magdesisyon. Nahihirapan sa lahat ng ito. Kahit ako nahihirapan din pero wala namang tayong choice. Ito ang tingin nating tama. At isa pa.. Mahal raw niya si Angelo. Sa tingin mo may karapatan akong pigilan ang nararamdaman niya?” umiiyak na tanong ni Bea. “I know, pero sana hindi niya ituloy. Umaasa pa rin ako na si Brixon ang mahal niya.” “Ituloy man niya o hindi walang magbabago. Alam natin pareho ang totoo. At sana mag

