****ALTHEA POV#*** Kagabi ko pa sinabi kay Devine na ikuha ako ng ticket ng airplane. Pero may kaibigan daw siya na paalis din bukas isasabay niya na lang ako sa mga ito. May show ang mga ito sa LA.Kilala din nila ako. Dahil mga suki namin sila. katunayan guests namin sila noong huling Launch ko ng gown ko.Itutuloy ko na ang pag gawa ng bagong branch ko ng Boutique sa US. "Ayaw mo ba talagang sumama sa akin yaya?" Tanong ko kay yaya nasa silid ko kami. Inaayos niya ang gamit ko na dadalahin ko. "Wag na iha. Pag sumama ako sayo hindi ka makakalayo sa kanila. Magiingat ka na lang sa pupuntahan mo. Basta lagi mo akong tatawagan." Sabi niya na umiiyak. Umiiyak narin ako. Ngayon lang kami magkakahiwalay dalawa lagi ko siyang kasama kahit saan ako pumunta. Pero ngayon ayaw niyang sumama sa a

