"Wag na muna kayong kikilos antayin niyo ang utos ko. Maghintay na muna tayo ng tamang panahon bago tayo kumilos uli." Sabi nito naikuyom ko ang kamao ko. Nagpaalam na ito sa kausap niya. Paalis na ito ng tumunog ang phone nito. " Papa? " Sabi nito. Natigilan ako. " Ayos lang po ako Papa. Inaalagaan niya ako papa dahil ang alam niya buntis ako. Kahit ang totoo wala naman talagang nangyari sa amin nung gabing yun. " Sabi niya saka tumawa. Napatiim bagang ako. Nakaramdam parin ako ng galit kahit matagal ko ng alam na hindi siya buntis at wala naman nangyari sa amin noong gabi na yun. " Kundi kay Tita hindi ko po yun maiisip. Siya po ang nagturo sa akin ng gagawin ko. Dahil ayaw niya po sa babaeng yun. Lalo na ngayon ng malaman niya ang tungkol sa pagkatao ng babae na yun. Ng makuha niya a

