Under The Moonlight Kabanata 27 Marciano's Point of View. Talaga namang nakakapawi ng pagod ang ganda ng lugar. Ang puti ng buhangin na siyang tinatapakan ko ngayon at ang simoy ng hangin na bumabalot sa katawan ko'y inaalis niya ang lungkot kong nadarama. Kung maaari lang na manatili rito ay baka rito na ako umuwi. Pero hindi iyon puwede dahil hindi naman namin pagmamay-ari ang beach resorts na 'to. Marami ding mga pumupunta rito. Iba't ibang lugar din ang kanilang pinagmulan, I even saw a foreigner roaming around. Hindi na rin naman iyon nakakapagtaka lalo pa't nakikita mo naman sa lugar kung gaano kaganda ang buong beach resorts. Mayroon silang iba't ibang attractions sa dagat na kinaaliwan ng mga tao. And I decided to roam around the place. Wala ri

