Under The Moonlight Kabanas a 28 Marciano's Point Of View. Magkakasama kaming namasyal nina Bianca, Anya at Evanston. Nilibot namin ang puwedeng libutin. We even take a lot of pictures, na siyang kagagawan ni Anya. Kaya hindi naman kami makatanggi. Pakiramdam ko nga'y nakabuo kami ng pagkakaibigan muli sa maikling panahon. Nang sumapit naman ang gabi ay sabay-sabay kaming kumain kasama na ang mga staffs at contestants. Sa isang mahabang lamesa na nakapuwesto lang sa mga bahay na tutuluyan namin. Magkatabi kaming naupo ni Evanston at nagulat ako nang tumabi sa akin si Lindon. Hindi ako nakaangal pero alerto ang katawan ko sa mga oras na 'to. Kinabahan din ako nang may maramdaman ako sa right side kong masama ang titig, and when I looked at my other, where Evanston was sitting. Nakompirm

