Under The Moonlight Kabanata 29 Marciano's Point Of View. I found myself inside the room where we were staying. Nahihilo pa rin ako ngunit nakakakita na ako nang maayos dahil sa may ipinainom sa akin si Evanston matapos kong magsuka sa harapan niya. Siya rin ang umalalay sa akin papunta rito sa loob. Nahihiya ako sa kaniya kaya hindi ako makatingin nang deretso. Nakaupo ako sa malambot na kama at siya nama'y nakasandal sa pader malapit sa pinto papalabas. Naka-crossed arms siya habang seryosong nakatingin sa akin. "Look at me," he said in baritone voice. Ibang-iba ang inuugali niya sa mga oras na 'to. He was matured and strict. Nakakatakot din ang ipinupukol nitong tingin sa akin. Kaya dahil sa sinabi nito at dahil na rin sa kabang nararamdaman ko. I immediately look directly to the

