Under The Moonlight Kabanata 73 Marciano's Point Of View Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi yata ako nakatulog kagabi sa dami na naman nang iniisip ko. Akala ko'y hindi ko na ulit mararanasan ito pero heto at bumabalik na naman ang nakaraan. Tumingin ako sa kalendaryo at June 30 pala ngayon. Hindi ko na namalayan, mag-35 years old na pala ako? Napatawa ako ng pagak at saka umalis ng kama at pumasok sa loob ng aking banyo. Ito pa rin ang kuwarto ko ang ginagamit ko pagkatapos ng madaming taon na lumipas. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan ang anak ko. Pero pagdating doon ay wala akong naabutan, mukhang kanina pa ito nagising at bumaba. Usually, ako ang gumigising dito pero ngayon ay nakakapagtaka. Mukhang masasanay na siyang gumising nang maaga. I went

