Under The Moonlight Kabanata 74 Third-Person Point Of View Pagdating pa lang ni Evanston sa Manila pagkagaling sa Mindanao, sa Hacienda nina Marciano. Agad-agad siyang umuwi sa kanilang mansion. Ikinuwento sa ina ang lahat-lahat ng mga nangyari, mga hindi malilimutang mga alaala na kahit saan man siya dalhin ng kaniyang mga paa ay babalik-balikan niya. "So, what are your plans now?" tanong ng ina matapos siyang magkuwento. Kasama niya ngayon ang buo niyang pamilya rito sa kanilang living room, nandito rin si Chris na kanina pa tahimik. Napaisip naman si Evanston kung ano na ang magiging plano niya. Kung ano ang gagawin pagkatapos ng sampong taon. Matagal ngunit alam niyang nasa tamang panahon iyon, right time kumbaga. At hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na muli niyang

