Under The Moonlight Kabanata 33 Marciano’s Point Of View. Nakakatawa. Sumama lang pala ako rito para masaktan. Ni hindi ko man lang nagawang maligo sa dagat dahil hanggang sa matapos ang araw ay nasa loob lang ako ng kuwarto ni Bianca. I wanted to go out, to hang out with other people but I’m scared that Evanston might saw. Bakit nga ba ako nagtatago? I just don’t want him to see me like this. Na mukhang tanga para sa kaniya. Ayoko rin na makita siya dahil naalala ko lang kung ano ang mga pinagsasabi nito sa akin nang sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Kaya nang umuwi kami ay sa sasakyan ako ni Anya nakisakay. She asked me a lot of questions pero lahat ng iyon ay puro kasinungalingan lang. I told her I just miss her, na naalala kong palagi kam

