Under The Moonlight Kabanata 34 Marciano's Point Of View. Ang tambol ngayon sa dibdib ko'y hindi ko na mabilang sa sobrang bilis. Nakanganga akong nakatingin kay Evanston na nakadipa na ngayon sa kaniyang kama at binubulong-bulong ang pangalan ko. Umiling ako upang mawala iyon sa isipan ko. Hindi dapat ako maniwala sa mga sinasabi niya. Papaano kung ginagawa lang niya ito para paniwalain ako at makuha na naman ang gusto niya? This isn't right. Pumasok na lang ako sa kaniyang banyo at kumuha ng bimpo. Binasa ko ito sa lababo at agad nang lumabas. Ginawa ko iyong ginawa ko noon sa beach resorts. Tinanggal ko ang suot niyang polo at hinubad din ang pantaloon niya. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama bago ako nagmadaling punasan ang katawan niya. Napapaisip ko na para nga talagang nan

