Under The Moonlight Kabanata 35 Marciano’s Point Of View Kahit na ano’ng gawin kong pag-iwas, nariyan at nariyan pa rin siya para lang guluhin na naman ang mundo. Napapagod na akong makipaghabulan. Napapagod na akong mag-isip sa kung papaano ako makakalimot pero bakit ganoon? Hindi pa rin napapagod ang puso ko sa pagtibok nang mabilis? “I’ll take care of him, tita. So you don’t have to worry.” Umalis na si Mama matapos nitong pasalamatan si Evanston na naririto ngayon sa kuwarto ko. Siya nna rin ang nagsara ng pinto dahill hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko sa sobrang pananakit nito. Kaya ang nagagawa ko na lang ay ang pagmasdan ang ginagawa niya. He placed the tray on the side table before sitting on my bed. Kunot noo siyang nakatingin sa aki

