Under The Moonlight
Kabanata 3
Hindi makagalaw si Marciano sa kaniyang puwesto dahil pinagmamasdan lang niya si Evan na lumalangoy sa pool ng hotspring. Sa tulong ng mga ilaw sa paligid at ang liwanag ng mga bituin at buwan sa kalangitan ay nakikita niya kung gaano kaganda ang hubog ng kasama.
Hindi niya maipaliwanag ang nadarama kung bakit mabilis ang t***k ng kaniyang puso.
"Whoo! This is really satisfying!" sigaw ng lalaki at umahon na ito sa tubig. Naupo ito sa tabi ng pool habang nakalublob sa tubig ang kaniyang mga paa. "Ngayon lang ako naka-experience ng ganito sa tanang buhay ko," sabi pa ni Evan at tumingin kay Marciano na malapit lang sa kaniya.
"Bakit wala ba kayong hotspring sa Manila?" tanong niya at pinantayan na rin ang tingin ng lalaki.
Ngumiti sa kaniya si Evan at umiwas ito ng tingin. Inilibot niya muna ang paningin sa ganda ng paligid kahit na gabi na rito, bago niya sinagot si Marciano na pinagmamasdan lang siya.
"Mayroon naman pero hindi kasing presko nito, this place is awesome!"
"Boring nga, eh!" Napatingin sa kaniya si Evan at si Marciano naman ang tumingin sa paligid. "Walang mga babae rito," sabi ni Marciano at ngumisi habang pinagmamasdan ang paligid.
"So, you're a playboy?" tanong ni Evanston sa kaniya at ngumisi rin ito.
"No, I'm not! I am just enjoying myself as a teenager," sagot ni Marciano at lumangoy ito sa tubig at umahon sa harapan ni Evanston.
"You should but limit yourself, hindi habang-buhay ay kailangan nating magbiro. Sometimes, we should focus on our goal for our future."
Napaisip naman si Marciano sa sinabi ng lalaki. Umahon siya sa tubig at tumabi sa lalaking hubo't hubad na nakaupo sa tabi ng pool habang nakalublob ang mga paa sa tubig. Itinukod ni Marciano ang mga kamay sa magkabilang gilid at tumingin sa katabi.
"Kaya ka ba nandito dahil may goal ka? Or you're here to enjoy your life?" tanong niya sa lalaki at hindi niya maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng puwede niyang itanong ay ang bagay na iyon pa ang naisip niya.
"Both..." Lumingon sa kaniya si Evanston. Ang kaninang basang buhok ay unti-unti nang natutuyo dahil sa hangin, "I'm here to find myself and gusto ko na munang lumayo sa kabihasnan."
Napatango-tango lang si Marciano at hindi na rin siya nagsalita pa. Muli na lang silang lumangoy dalawa. Maliit lang naman ang espasyo ng pool na iyon kaya hindi sila nagkakalayo sa isa't isa. Mayroon namang pool sila Marciano na mas malaki ngunit malamig iyon kapag gabi na.
Pagkatapos nilang lumangoy ay umahon na sila ng sabay at isinuot ng muli ang kanilang mga damit bago sila bumalik sa mansion.
"Thank you for tonight," sabi ni Evanston nang makarating sila sa tapat ng kanilang kuwarto.
"J-Just tell me, so I can tour you around." Ngumiti si Marciano at bukal sa puso niya ang pagngiti niyang iyon.
Tumango naman si Evanston at tinapik sa balikat ang binata bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto at isinarado ito.
-
Ang kuwarto ni Evan at Marciano ay magkaharap lang kaya saktong pagbukas ni Marciano sa pinto nito ay saktong pagbukas din ng kuwartong kaharap niya.
Nagkagulatan pa silang dalawa ngunit agad ding nakabawi at ngumiti si Evan sa kaniya na abot hanggang tainga.
"Good morning! Where are you going?" tanong nito nang sinipat niya si Marciano mula ulo hanggang paa.
Nakasuot kasi ito ng sweatpants at sandong puti. Pinaresan din niya ng sapatos at may nakasabit ding panyo sa kaniyang balikat para sa pawis.
"Magja-jogging lang, sige. Mauuna na ako. Good morning by the way," sagot ni Marciano at mabilis na siyang umalis sa harapan ni Evan at nagsimulang tumakbo sa kanilang hacienda.
Napailing-iling na napapangiti na lang si Evan habang bumaba sa hagdan at pumunta ng kusina nitong mansion. Naabutan niya roon si Gregory Hidalgo, ang ama ni Marciano na may hawak na newspaper habang nagkakape.
"Good morning, sir," bati niya rito nang makalapit siya at naupo sa left side ng mesa.
Pumasok naman sa kusina ang asawa ni Gregory at naupo sa kaharap na upuan ni Evan.
"Good morning, Evan. Where's Marciano?" tanong nito at tumingin sa likod ng binata para hanapin ang anak.
"Nag-jogging po," sagot niya rito at kumuha siya ng bread at palaman para gawin breakfast iyon.
"By the way, hindi kita masasamahan ngayon para maglibot-libot sa hacienda. I have some important things to do," sabi ni Gregory na hindi nakatingin sa kanila. Nakatutok pa rin ang pansin nito sa binabasang newspaper.
"No, it's okay po, sir. Actually, Marciano told me last night, he can accompany me para i-tour sa hacienda niyo," sagot niya habang nagtitimpla ng kape.
Napangiti naman si Leticia at sinimulan na rin niyang kainin ang agahang inihanda niya. Natutuwa siya dahil sa wakas ay may kaibigan ng lalaki si Marciano dahil puro na lang si Bianca ang nakakasama nito. Hindi naman siya galit ngunit sadyang nangangamba lang siya na baka isipin ng mga tao na may relasyon silang dalawa.
Pagkatapos nilang kumain ay sabay-sabay na silang umalis ng kusina. Sakto rin naman ang pagdating ni Marciano mula sa pagtakbo nang makalabas sila.
Napatingin sa kaniya si Evanston at tinitigan niya ang basang katawan ni Marciano.
"You're finally here, ikaw na muna ang sumama kay Evan para maglibot-libot dito sa hacienda."
Bumaling sa kanila si Marciano kaya mabilis na umiwas ng tingin si Evan. Tumango lang siya at nagpaaalam na maliligo lang at magpapalit bago kumain.
Hindi naman siya makatanggi sa Ama dahil alam niyang ipipilit lang nito ang gusto niya kaya wala siyang gumagawa kundi ang pumayag, wala rin naman siyang gagawin sa araw na 'yon kaya mabo-bored lang siya kung mananatili lang siya sa kanilang mansion.
-
Pagkatapos kumain ni Marciano at makapagpahinga saglit ay gumayak na silang dalawa ni Evan. Sakay ng mga bisikleta ay sinamahan ni Marciano si Evan upang makapaglibot-libot sa kanilang hacienda.
Una nilang pinuntahan ang mga mangga na saktong pumipitas ang mga trabahador ng puwedeng ipahinog at mga nasira.
"Manang Jho, kumusta ho kayo rito?" tanong ni Marciano nang makalapit sila.
Pinasandig lang nila ang mga bisikletang sinakyan nila sa lilim ng isang puno at naglakad papalapit sa babaeng pinupulot ang mga manggang napitas at inilalagay iyon sa isang basket.
"Kayo ho pala, Senyorito Marciano. Ayos lang naman po kami ngayon at araw ng pagpipitas kaya abala ang lahat," sabi nito.
Si Manang Jho ang siyang tumatayong lider ng grupo ng mga nagpipitas at nangangalaga sa manggahan. Kaya siya ang nilapitan niya dahil siya rin naman ang nakakaalam ng lahat dito sa manggahan nila.
"Mabuti naman po kung gano'n. Ito nga po pala si Evan, kasama ko ngayon para ilibot sa lugar at dito ko naisipan na magsimula dahil malapit lang ito sa mansion," sabi niya't pakilala na rin sa kasama na tahimik lang na nagmamasid sa lugar.
"Magandang araw po," bati naman ni Evan.
"Magandang araw din po, Senyorito. Sige po at ako'y babalik na sa trabaho," sabi ni Manang Jho.
Tumango lang si Marciano dito at hinayaan na ang Ginang sa kaniyang ginagawa. Naglakad naman ang dalawa sa lilim ng mga manga at nagsasalita si Marciano kung papaano ito inaalagaan at kung ano ang puwedeng maging produkto nito nang hindi niya napansin ang manggang mahuhulog sa kaniya.
Ngunit dahil sa bilis ni Evan ay nahila niya si Marciano at pareho silanh natumba sa dumuhan. Nakapatong sa kaniya si Marciano na hindi nakagalaw agad dahil sa gulat.
"M-Muntik ka nang mahulugan ng mangga, that's why I saved you," sabi ni Evan habang nakatingin sa kaniyang mga mata.