Kabanata 4

1193 Words
Under The Moonlight KABANATA 4 Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na masyadong nagsasalita si Marciano habang pumapasyal sila ni Evan. Bumabalik kasi sa kan'yang isipan ang nangyari at ang t***k ng kan'yang puso ay hindi normal. "How this things work?" tanong ni Evan sa hawak nitong panungkit na may parang basket sa dulo nito para doon mahulog ang star apple at hindi mabasag sa lupa. "Ganito po iyan, sir." Imbes na si Marciano ang sumagot ay ang isang trabahante ang nagpakita ng paraan kung papaano ito gamitin. Pinagmasdan lang ni Evan ang trabahante at nang makuha na niya ang paraan ng pagkuha sa star apple ay siya naman ang gumawa nito. Tuwang-tuwa siya nang makakuha siya ng isa at dali-daling kinuha ang prutas at nilapitan si Marciano na tahimik lang sa isang tabi. "Hey! Look, I got one!" anunsiyo nito at ipinakita ang hawak na prutas kay Marciano ngunit nagtaka siya dahil tahimik lang ang binata at hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang tingin lang. Tinapik niya ito sa balikat kaya napatingin doon si Marciano at lumipat ang tingin niya sa mukha ni Evanston. Nagulat siya nang makita ang binata sa harapan niya kaya agad siyang umatras dahil kumabog ng mabilis ang kaniyang dibdib. "A-Aalis ba tayo?" tanong nito at tumingin sa paligid dahil ayaw niyang mahuli ng mga mata nito ang mga mata ni Evanston. Hindi niya natatagalan ang lalaki sa pagtitig at hindi niya iyon maintindihan kung bakit. "What happened to you?" Nakakunot at magkasalubong ang kilay ni Evanston na nakatingin sa kaniya. "May tumama bang mangga o lanzones sa ulo mo?" tanong nito. "W-Wala..." Naglakad na si Marciano papalapit sa naka-park nilang mga bisikleta at kinuha niya't sumakay na siya roon. "Let's go! Marami pa tayong pupuntahan," sabi niya at nauna nang magpedal at iniwan si Evanston na nagtakakang sinundan siya ng tingin. – Buong maghapon ay sila lang dalawa lang ang magkasama. Nilibot nila ang hacienda ngunit hindi nila halos napuntahan lahat dahil sa lawak nito. Sa area sila ng mga prutas pumunta. Halos lahat ng tanim na prutas sa hacienda nina Marciano ay tinitikman ni Evanston. Mayroon na nga itong dalang basket sa kaniyang bisikleta at nilagyan iyon ng mga prutas at dinala sa mansion. "I really enjoyed this day," sabi nito nang makarating sila sa harapan ng mansion at maibalik sa lalagyan ang mga ginamit nila bisikleta. Kinuha ni Evanston ang dalang basket at sinabayan sa paglalakad si Marciano papasok sa mansion. "Halata ngang na-enjoy mo dahil sa mga dala mong prutas," sabi ni Marciano at tinignan ang basket na punong-puno ng iba't ibang matatamis at hinog na mga prutas. Tumawa si Evanston at inakbayan si Marciano. Natigilan saglit ang binata ngunit mabilis ding nakabawi at naglakad na papunta sa hagdan kasabay si Evanston. "Bukas ulit. Samahan mo akong mamasyal naman sa farm ninyo," sabi niya. "S-Sige," sagot ni Marciano at kinalas na ang pagkakaakbay ng binata sa kan'ya at mabilis siyang naglakad papaakyat papunta sa kan'yang kuwarto. – Kinabukasan ay sa gawing kanluran ng hacienda kung saan ang farm nila ang punta nilang dalawa. Sakay pa rin ng bisikletang binili ng ama ni Marciano para may magamit silang mag-ama sa pamamasyal. Dahil gusto ni Evanston na puntahan ang farm ng mga Hidalgo. Gusto niyang malaman kung papaano ba namumuhay ang mga farmers dahil laki siya sa syudad at buong buhay niya'y hindi niya naranasan ang magtanim ng mga palay at kung ano-ano pa na galing sa bukid. Malayo ang naging byahe nilang dalawa. Makakadaan ka muna sa malawak na palayan ng mga Hidalgo bago ka makakarating sa kanilang imbakan ng mga palay, sugar cane, mais at iba pang galing sa bukid. Dito rin ang rancho ng mga kabayo at iba pang hayop na pinagkukuhanan nila ng produkto. "Wait!" Napaapak si Marciano sa break ng bisikleta nang sumigaw si Evanston. Sinundan niya ang tingin ni Evanston at nakita niya ang mga trabahanteng abala sa pagtatanim ng mga palay. "I wanna try those." Turo nito sa mga taong nagtatanim ng palay at tumingin kay Marciano. "Okay, let's go," sabi niya. Naglakad sila papalapit sa mga trabahanteng nagtatanim. Sa gilid ng palayan sila dumaan hanggang sa makarating sila sa puwesto ng mga ito. "Magandang araw po, senorito Marciano," bati sa kaniya ng mga tao nang makita siya ng mga ito. "Puwede niyo ho ba kaming turuan kung papaano magtanim ng palay?" tanong niya sa isang trabahante. Itinuro niya ang mga abalang nagtatanim para ipaalam ang ibig niyang sabihin. "Naku po, senorito. Mahirap po ang gawain nila at baka kung mapano po kayo," sagot naman ng trabahante. Ngunit desidido na si Marciano na ipa-experience sa kasama kung ano ba ang pakiramdam ng nagtatanim. At hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit gusto niya rin ito maranasan, samantalang noon ay ayaw na ayaw niyang pumupunta rito dahil mainit. "Okay lang po, gusto lang po namin maranasan ang magtanim. Para naman po ang iba sa inyo ay makapagpahinga saglit," sabi ni Marciano at ngumiti pa sa trabahante. Wala itong nagawa kundi ang pumayag sa gusto ng anak ng amo nila. Kaya binigyan sila ng mga ito ng bota at sumbrero para magbigay protection sa init na nagmumula sa araw. Tuwang-tuwa si Evanston kaya nang ituro sa kanila kung papaano ang paraan ng pagtatanim ng palay ay nakikinig siya at mabilis lang niyang nakuha ang paraan. Nang magsimula silang magtanim ay inalalayan naman sila ng mga trabahante dahil si Marciano ay nahihirapan sa pagtatanim. Hindi siya masyadong nakakagalaw dahil sa putik at botang suot-suot niya. "You're so weak, you can't even move properly on the mud," sabi ni Evanston nang mapansin si Marciano na nahihirapan igalaw ang mga paa sa putikan. Tinawan pa niya ito kaya nainis si Marciano. Kumuha siya ng putik at agad na ibinato sa lalaki dahil sa inis kaya sapol ito sa kaniyang pisngi. "Buti nga sa 'yo!" sabi ni Marciano habang tumatawa ngunit sa pagtawa niya ay hindi niya nabalanse ang sarili sa putikan at tuluyan siyang natumba. Narinig na lang niya ang pagtawa ni Evanston dahil sa bilis ng karma n'ya. Kaya masama lang na tinigna ni Marciano si Evanston at pinilit ang sarili na makatayo hanggang sa mabibigat ang mga paa nitong naglakad papalapit kay Evanston at itulak nito upang matumba. Ngunit buong akala ni Marciano ay mananalo siya dahil mabilis siyang nahawakan ni Evanston sa kamay at naisama siya nito sa pagkatumba sa putikan. Ngayo'y nasa ibabaw ulit siya ni Evanston at hindi makagalaw dahil sa gulat. Ngumisi lang si Evanston at hinawakan si Marciano sa mukha na puno ng putik ang mga kamay niya. Kaya pantay na silang dalawa, punong-puno ng malagkit na putik ang kanilang buong katawan. "Ang bilis naman ng karma, nahulog ka agad sa akin." Awkward. Muling naramdaman ni Marciano ang pakiramdam na iyon. Naulit muli ang nangyari kahapon at gano'n pa rin ang bilis ng kaniyang puso, sa mga oras na ito para na siyang aatakihin at hindi makagalaw sa kaniyang puwesto sa ibabaw ng binata. At ang mga binitiwan pang salita ng lalaking nasa ilalim niya'y dalawa ang ibig sabihin para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD