Under The Moonlight Kabanata 39 Third Point Of View Lahat sila ay naging masaya sa naging resulta ng pageant, na kahit hindi man nanalo si Evanston ng titulong Mr. Tourist, alam niyang panalo pa rin siya sa puso ni Marciano. Si Anya naman ang nanalo sa female category. Naghakot din nang karangalan si Evanston, crowd favorite, photogenic, and first runner up. Sapat na iyon para sa kaniya. Nang matapos ang event ay nagpatuloy ang kasiyahan kinabukasan, marami ang palarong naganap, at lahat ng iyon ay sinalihan nina Marciano at Evanston. Silang apat nina Anya at Bianca ang magkakasamang namamasyal. Tila ba sa maikling panahon ay nabuo ang kanilang samahan. At hindi maitago ang kasiyahan na nararamdaman ni Marciano. Patago pa rin silang nagmam

