Under The Moonlight Kabanata 40 Third Person Point Of View. “E-Evanston…” Tumigil sa pag-eempake si Evanston nang marinig nito ang boses ni Marciano. Tumingin siya rito at bumungad sa kaniya ang mga matang may takot na nababahiran ng mga luhang minsan lang niya makita. “Sasama ako,” bigla niyang sabi na ikinagulat ni Evanston. “M-Marciano, you know you can’t. Mas lalong magagalit sa atin ang Papa mo kung sasama ka sa akin,” sagot niya. “B-But I can’t live here without you!” Nagsimula na namang bumuhos ang mga luha ni Marciano. Ang sikip na ng dibdib niya at nahihirapan na siyang huminga ngunit nakakaya pa niyang magsalita ng maayos. Dahil gusto niyang kumbinsihin ang lalaki na pasamahin na siya. “I-I know I’m being stupid to fall in love with you deeper

